Chapter 6: Now Or Never

2421 Words
AMARA: "Hindi ba't sinabi ko sa 'yong tapusin mo ang trabaho mo? Pinayagan kitang makaalis ng maaga kahapon dahil sa usapan natin, pero nasaan na?" Pinigilan ko ang hikbi ko habang kaharap ko si Miss Michelle, ang supervisor namin. Galit na galit siya dahil pumasok ako sa trabaho na hindi dala ang proposal na naipango ko. Wala pa akong tulog dahil sa biglaang pagtawag sa akin ni Tita Celine sa akin tungkol kay Andre. Balak sana naming isanla na lang ang bahay nila pero hindi naman namin mahanap ang titulo. Ilang bagyo na rin kasi ang pinagdaanan ng bahay na iyon, kaya marahil ay isa sa mga papeles na tinangay ng baha. Naghanap din kami ng kaibigan na malalapitan pero niisa ay walang nakapag-abot sa amin ng sapat na halaga. Kahit sina Landon ay gipit din dahil hinuhulugan pa nila ang condo nila at ang puwesto ng bar nila. Hindi ko rin sila mautangan. Dahil sa buong magdamag ko nang pinoproblema kung saan ako kukuha ng pambayad sa hospital ay nakalimutan ko nang may trabaho pa akong tinatapos. Kung hindi pa nag-alarm ang cellphone ko para sa oras sana ng gising ko ay hindi ko pa maaalala ang assignment ko, pero huli na, hindi ko na nagawa. "Sorry po, Miss Michelle," tanging nasabi ko habang nakatungo. Hindi ko siya matingnan nang diretso, dahil alam kong kasalanan ko 'to. "Kung alam ko lang na hindi mo ito magagawa ay hindi ko na ito iniasa sa 'yo. Lumabas ka na nga at sa iba ko na ito ipapagawa," sabi niya na para namang hindi narinig ang paghingi ko ng dispensa. Napalunok ako at napabuntong-hininga. Alam kong sobrang init ang ulo niya sa akin ngayon, pero ito na lang ang tanging alam kong paraan. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. "Miss, sorry po pero sobrang gipit ko po kasi. Baka po puwedeng mag-advance." Nakaramdam ako ng kaba nang marahas niyang itinutok ang mga mata sa akin. "Hoy, may kasalanan ka pa sa akin. Nakakalimutan mo?" Nanlulumo na tiningnan ko siya. Gusto ko nanaman maiyak dahil sumisilip nanaman ang pagkawalan ko ng pag-asa. Pakiramdam ko ay sobrang pagod ng katawan at utak ko. Sumasakit ang ulo ko, hindi ko alam kung dahil sa wala pa akong tulog o dahil sa kakaiyak ko kagabi. Hindi ko masukat sng magkakahalong sakit, pangungulila, takot at pagod na nararamdaman ko sa tuwing kusang umuuilit sa isipan ko ang sinabi ng Doctor. Para niya nang binigyan ng taning ang buhay ni Andre, at ang taning na iyon ay naka depende sa akin. Para akong mababaliw kakaisip. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. "Miss, please -" mariin niya akong inilingan at itinaas ang palad niya para pahintuin ako. "Lumabas ka na, bago magdilim ang paningin ko sa 'yo." Sasagot pa sana ako nang kumatok ang secretary ni Miss Michelle. "Mr. Miller is here, Ma'am." Pagkasabi nito niyon ay may pinapasok na siyang isang naka three-piece-suit na sa anyo pa lang ay halata nang kliyente ito. Tahimik akong nagbigay galang at walang nagagawang umalis na nang ituon sa kaniya ni Miss Michelle ang atensyon na akala mo ay hindi ako pinanggigilan kanina. Nang makabalik ako sa desk ko ay pagod akong umupo at hinilot ang sentido ko. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi effective ang kape iniinom ko para mawala ang diwa ng antok sa katawan ko. "Psst! Okay ka lang?" pang ilang tanong na iyon ng mga katrabaho ko, at ilan beses na rin akong tumango at sinabing okay lang ako kahit hindi. Pinilit kong itinutok ang atensyon ko sa ibang papeles na kailangan kong asikasuhin, ngunit lumilipad pa rin talaga ang utak ko. Saan ba kasi ako pupulot ng 100 thousand? Ilang linggo pa lang ang dumaraan pero ganoon na kalaki ang bayarin. Paano ko naman ibibigay iyon kay Tita Celine sa isang bagsakan lang? Inabala ko na lang ang sarili ko. Buti na lang at kaniya-kaniya rin ang pagkaabala sa kaniya-kaniyang cubicle ng mga katrabaho ko kaya kahit papaano ay nakapag-focus ako kahit na ang diwa ko ay gusto nang bumagsak, habang ang kalati ng utak ko ay na kay Andre. Nang matapos ang office hour ay pumasok na muna ako sa CR para ayusin ang sarili ko. "Amara, gumana ka nga," sabi ko sabay pukpok sa ulo ko as if tinataktak ko iyon para sa natitirang laman nito. Sigurado kong may ibang pang paraan para makapagbayad sa hospital, pero ayaw gumana ng utak ko. Natigilan ako nang mag-ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon at nakitang ang adviser ni Jackson sa school ay napabuntong-hininga ako. Number ko ang binigay ni Jackson na number ng guardian niya, para daw if ever ay sa akin tatawag. Alsm niyang pagtatakpan ko siya kay Kuya kung maliit lang naman ang nagawa niya. Pagod na sinagot ko iyon. Kahit pagod ang utak at katawan ko ay hindi ko pa rin kayang ignorahin ito dahil paniguradong tungkol ito sa kapatid ko. Importante. "Hello?" "Hello? Is this guardian of Jackson Sanchez?" "Ako nga po. Bakit po?" "Kahapon kasi dinala siya sa guidance office ng bodyguard ng isang studyante, nirereklamo bilang stalker. Ngayon naman nag-cutting class. Hindi na 'to mapalalagpas ng principal." "Cutting class? Sigurado po kayo? Baka na-late lang po?" "Hindi, e, pumasok siya kaninang umaga. Nagpaalam siyang magpupunta lang ng CR pero hindi na bumalik, at nalaman ko na lumabas na siya ng school, sabi ng security guard." Napapikit ako nang mariin. Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa nalaman ko. Saan naman ba magpupunta ang batang iyon? Humingi na lang ako ng dispensa at nangakong tatanggapin ng kapatid ko kung ano mang punishment na ibibigay sa kaniya, 'wag lang siya I-expelled. Nangako rin akong ako mismo ang maghahanap sa kapatid ko. Tinanggap iyon ng adviser niya, kaya naman pagkababa ng tawag ay kaagad kong tinawagan si Jackson. Sinagot niya iyon, marahil hindi niya alam na alam ko na ang ginawa niya. "Nasaan ka?" Ilang segundo bago siya sumagot. "May group study kami, Ate, baka ma-late ako nang uwi." Umirap ako kahit hindi niya nakikita. "Group study my ass! Jax, alam ko na nag-cutting ka. Nasaan ka? Pupuntahan kita." "Ate-" "Jackson please! Puwede ba 'wag ka nang magsinungaling sa akin?!" mabilis ang paghinga ko habang nagsasalita. Ginamitan ko na siya ng tono kung saan alam niyang galit na ako. Mukha namang epektibo iyon dahil kaagad niyang sinabi sa akin ang lugar. Isang restaurant sa BGC. What the hell is he doing there? Kahit nagtataka pa ay kaagad ko nang pinatay ang tawag at nagmamadaling lumabas ng banyo. Nakasabay ko pa palabas ng building ang ilang office mates ko, inaaya akong kumain muna sa labas, pero tumanggi ako dahil kay Jackson, at dahil na rin kay Andre. Wala ako sa mood. "At bakit ka napadpad dito?" bungad ko kaagad kay Jackson nang salubungin niya ako sa labas ng restaurant. Bukod sa malayo ito sa school niya ay halatang hindi pang estudyante lang sng lugar na ito. Kahit hindi pa ako nakapapasok ay kita ko naman mula sa labas at salamin nitong walls ang loob. Ang mga nakaokupa sa mga kani-kanilang upuan ay halatang may mga pera dahil sa mga pormal nitong mga suot. Idagdag pa na pormal ang uniporme ng mga nagsisilbing waiter at waitress sa loob. Maganda ang interior sa loob hanggang sa labas, pinaghalong wall glass at wooden color. Marami rin ang naka-park na sasakyan dito sa labas, isa pang simbolo na mayayaman nga ang mga nandito. Kumamot siya sa may batok. "Ate, sorry." Kumunot-noo ako. "Sorry? Jax, puwede ba, pagod ako. Ang dami kong iniisip, ang dami kong problema, puwede ba huwag ka nang dumagdag!" sa kabila ng ingay mula sa naghahampasang malamig na hangin at mga sasakyan na nagdaraanan ay hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. Nakita kong nagulat siya sa mga sinabi ko, pero sa halip na sumagot ay tumungo lang siya at hindi sumagot. Medyo na-guilt ako sa ginawa ko, pero hindi ko puwedeng palagpasin ang pagka-cutting niya. Hangga't maaga ay aayusin ko ito. "Anong ginagawa mo rito?" matigas pa rin ang tono ko. Nakatungong inabot niya ang envelope na hawak. Hinablot ko iyon at tiningnan ang laman. Resume? "Anong gagawin mo sa resume mo? Bakit ka gumawa ng resume?" Nakatungo pa rin siya at pasaglit-saglit lang tingin sa akin. Para bang sinusulyapan niya lang ako bilang paggalang. "Tinotoo ko po iyong sinabi ko sa 'yo kagabi. Gusto kong mag-training sa YA's agency, Ate, kaya ni-contact ko ang nilagay nilang contact sa page at nakipagkita sila sa akin dito." Nasapo ko ang noo ko. Noong una ay hindi ko pa maisip kung anong sinassbi niya. I almost forgot that I was with him last night, bago tumawag di Tita. Na kausap ko nga pala siya tungkol kay Shaq. " At tingin mo hindi ako seryoso nsng sabihin kong 'ayoko?" tinaasan ko siya ng kilay. Sa wakas ay nag-angat na siya ng noo sa akin. "Pero Ate, ito na 'yong gusto ko." Napailing ako. "Umuwi na tayo." Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako sa braso. "Ate!" Pinagmasdan ko siya. "Gusto mo 'di ba? Halika't kakausapin natin si Kuya Flo. Kung papayag siya, edi sige, payag din ako. Pero kapag ayaw niya, please, mag-focus ka sa pag-aaral mo." Bumagsak ang balikat niya. "Edi sige, pero Ate, huwag naman nating indianin iyong kikitain ko." Tinabingian ko lang siya ng ulo. Saktong may humintong sasakyan na hindi kalayuan sa amin. Hindi ko dapat iyon papansinin pero tila magneto iyon na humatak sa paningin ko. Isang sulyap lsng pero nakilala ko kaagad ang lumabas sa sasakyan. Si Shaq. "Woah! Mukhang iyong may-ari mismo ng YA's ang makikipagkita sa akin." Hindi ako tumanggi, dahil kagaya ko ay may hawak din siyang brown envelope. Mukhang resume rin. Natigilan ako nang mapatingin siya sa amin. Nangunot-noo siya pero hindi nagtagal ay binawi niya ang mga mata sa amin at pumasok sa salamin na pinto. "Ate-" Binalingan ko si Jackson. "Hintayin mo ako rito. Ako ang makikipag-usap." "Pero-" "Yes or no, Jax." Ngumuso lang siya at umupo sa isang baitang pababa ng kalsada. Napailing ako at naging cue ko iyon para iwanan siya. Nang itinulak ko ang pinto ay hinanap kaagad siya ng mga mata ko. Ewan ko pero para bang nakakita ako ng liwanag sa puso ko nang makita ko siya. Mukhang siya na ang sagot sa problema namin ni Tita Celine. Alam kong ayaw niyang tumulong kay Tita dahil masama ang loob niya sa magulang niya, pero hindi naman siguro niya matitiis ang kapatid niya kapag nalaman niyang maari itong mamatay dahil sa situwasyon. Hindi lang naman sila magkapatid at magkadugo. Kakambal niya si Andre. He should've love him more than anything. Nang makita niya akong pumasok ay sumandal siya sa sandalan ng inuupuan niya. Para bang hinihintay niyang lumapit ako sa kaniya. Napalunok kaagad ako at buntong hininga nang tumuloy ako sa inookupa niyang puwesto. He looked up at me, with his straight face. "Is it just a coincidence that I am meeting a boy with the same name of your brother, and you two are here, too." Inilapag ko sa harap niya ang envelope ng resume ni Jackson. "It was really him. Nalaman ko lang na nandito siya at nag-send ng resume sa 'yo kaya ako nandito, unfortunately hindi pa ako o kami ng guardian niya pumapayag." Tumango-tango siya at tumayo, hindi tinitingnan ang resume na nilapag ko sa harap niya. "So sinasayang ninyo lang pala ang oras ko?" taas kilay niyang sinabi. "Pero sabagay, I wasn't supposed to be here. Nandito lang naman ako dahil gusto kong siguruhin kung ang nagpadala nga ng resume ay 'yong kapatid mo." Nagkibit-balikat siya. Humakabang siya patalikod sa akin pero kaagad ko siyang pinigilan sa kamay niya. Tumingin siya sa kamay namin bago ako tingnan ako sa mukha. "You're cold and shaking. Kumain ka na ba? O natulog?" Binitiwan ko siya at inignora ang tanong niya. "Shaq, kailangan ko ng tulong mo." Nakakunot pa rin ang noo niya pero nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon niya. Lumambot iyon. Huminga ako nang malalim nang maramdaman ko ang unti-unting pag-uumapaw nanaman ng emosyon ko nang handa nanaman akong pag-usapan si Andre. "I'm all ears," sabi lang niya. "Tatanggalan na ng life support si Andre kung hindi kami makapagbabayad sa hospital, e." Muling nawalan ng ekspresyon ang mukha niya. Para tuloy akong natakot. Pakiramdam ko ay na-offend ko siya. Hinawakan ko siya sa isang braso at umiling. "'Wag mo sanang isipin na pineperahan ka namin, pero Shaq kailangang-kailangan na namin. Wala na kaming ibang malapitan." "At tingin mo malalapitan ninyo ako?" Nanghihina na napabitaw ako sa braso niya. "Hindi naman ako nanghihingi, baka lang sakaling mapautang mo ako. Magbabayad ako, kahit may interest. Babayaran ko." He leaned forward to me. Nakita kong bumaling siya sa labas, at nang sundan ko ang mga mata niya ay nakita kong nakatingin siya sa kapatid kong nakatalikod sa amin. Nabawi lang ang tingin ko nang lapitan niya ako. "Marami na akong pera, paano kung pera ang hingin kong kabayaran?" Nangunot-noo ako. "Anong ibig mong sabihin?" "What if, give me a kiss that dedicated for me? I don't want a stolen kiss anymore, I want mine." Kinilabutan ako sa ibinulong niya sa akin, sa halos hangin at halos paos na boses. Tiningnan ko lang siya, pinag-aaralan kung mukha ba siyang nagbibiro, but he looks so damn serious. Napalunok ako, hindi mapigilang tumitig sa mga labi niya. Kahit ayoko ay muling nanumbalik sa isipan ko ang gabing hinalikan ko siya. Ang pakiramdam at lasa ng halik niya. Ayokong isipin pero tila marka na iyon na gustong umulit-ulit sa isipan ko. "Kapag hinalikan ba kita, ibibigay mo ang kailangan ko," halos manuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makagalaw para makalayo sa kaniya. Para akong naestatwa. Ngumiti siya. "Paano kung sabihin kong interest lang ang halik?" Nangunot-noo ako at napatingin na sa kabuuan ng mukha niya. Kahit hindi niya sabihin ay malinaw sa akin kung ano pa ang gusto niyang kapalit. "Hindi ako prostitute na ibebenta ang katawan ko, para sa pera." Dumiretso siya ng tayo. "Hindi rin ako ATM card mahihiraman mo kung kailan mo kailangan." Nagdiin lang sng bagang ko habang nakatingin sa kaniya. Talaga ngang matigas siya. Ang pag-asang sumilip sa akin kanina ay biglang nawala, tinangay ng hangin. "Now or never, Amara."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD