AMARA: "Pumayag ka?" tanong sa akin ni Chloe matapos kong ikuwento ang plano ni Shaq na pagdala kay Andre sa kung saan para doon ipagamot. Sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung saan, ang alam ko lang ay ang mga doctors na ng YA's ang bahala sa kaniya. Bago umalis pabalik ng headquarters si Jackson kahapon ay nabanggit ko na ito sa kaniya, gusto ko kasing malaman kung talaga bang may mga magagaling doon na doctor, kasi baka base lang din sa training ang mga doctors nila. Pero sabi ni Shaq ay mayroon daw talagang doctors at mga sariling gamit ang YA's, at doon daw sila ginagamot kung may hindi magandang nangyari. Sabi pa niya ay may parte raw sa headquarters na parang hospital. Hindi ko alam kung doon dadalhin si Shaq, pero sana hindi naman para madalaw ko pa siya. Ang alam ko talaga ay ba

