Chapter 22: Same Person

2472 Words

AMARA: "Tita?" Mula sa kawalan ay napatingin sa akin si Tita, na para bang alam niya kaagad na ako ang tumawag sa atensyon niya. Mabilis na rumehistro sa mukha ni Tita Celine ang pait. Nang lapitan ko siya ay kaagad niya akong niyakap. Hinagod ko ang likod niya habang dinadama ang paghikbi niya sa balikat ko. "Nagising na raw mula sa pagkaka-coma iyong babaeng nadamay sa aksidente," bulong ni Tita sa balikat ko saka ako bahagyang hiniwalay sa kaniya. "Hindi raw makalakad." Sinikap kong pigilan ang luha ko. Hangga't maari ay gusto kong hugutan niya ako ng lakas na loob. "Tita, kung gusto niya pong saluhin natin ang therapy, sabihin ninyo na lang pong hindi natin kaya." Umiling siya. "Hindi naman iyon ang iniisip ko, Amara. Natatakot lang ako sa magiging buhay ni Andre kapag nagising n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD