AMARA: Imbis na tumuloy sa pagpasok ay umatras ako at tumalikod. Nagpasya akong maglakad na lang muna palayo. Kahit madilim na at malamig ay sa tingin ko ay mas mabuti kung mapag-iisa na muna ako. Sa loob ng isang linggo na pinilit kong maging matatag kahit nasasaktan ako, hindi pa rin maitatanggi na natatalo pa rin ako ng emosyon ko ngayon. "Shaq, mahal kita, alam mo 'yon! Kaya handa akong gawin ang lahat para sa iyo dahil mahal kita!" Umuulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni Jennie, and there's a part of me that I got insecure, because I'm not brave as her to tell Shaq that I love him. Nanghihina na umupo ako sa isang bench na nadaanan ko. Tanging ang mga ilaw sa poste lang ang naging liwanag ko. Ang mga bituin sa langit ay para bang nagdadagdag ng lungkot ng nararamdaman ko. Hindi

