AMARA: "So that's it? It's over? After everything he would leave?" magkakasunod at hindi makapaniwalang sabi ni Chloe matapos ko sa kaniyang sabihin ang nangyari noong isang araw, nang magkausap kami ni Shaq tungkol sa mga nangyari passed three months. Kahapon ako nakabalik sa Manila. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko nagawang mag-stay pa roon ng isang araw matapos namin magkausap ni Shaq. Hindi biro ang nararamdaman kong bigat sa mga ipinagtapat niya sa akin. Nahihirapan akong tanggapin pero dapat kong kayanin. Nabuhay at kinalakihan na ni Shaq ang buhay na mayroon siya ngayon, at ako ay isa lang taong bigla na lang pumasok sa mundo niya. Anong laban ko roon? Matapos naming mag-usap ni Shaq ay nagpanggap kami parehong walang nangyari. Ayaw namin pareho na makahalata si

