AMARA: Sa buong araw halos naging tahimik ako, although nakikipag-usap ako pero medyo wala ako sa mood. Pinasya kong maglakad-lakad na lang sa labas ng bahay para makapagpahangin. Kailangan kong waksiin ang kung anong gumugulo sa utak ko. Buti na lang ay maganda ang lugar. Forest ang paligid ng bahay ni Shaq at mga naglalakihan din ang mga villa na nadaraanan ko. May mga foreigners din akong nakaka-encounter. Doon ko lang na-realised na resort ang lugar kung nasaan ako ngayon. "Amara!" Mula sa mga bulaklak ay napabaling ako sa isang gawi kung saan may tumawag sa pangalan ko. Si Shaq. Dumiretso ako ng tayo at hinintay siyang makalapit sa akin. Nakita ko pang tumingin siya sa wristwatch niya, marahil ay iniisip niya kung bakit nasa labas pa ako. Papalubog na ang araw. Hapon na rin kasi

