AMARA : Pumikit ako at nilanghap ang hangin na ngayon ay humahampas sa balat ko nang malakas. Kahapon ako dumating sa Cebu at ngayong araw ay nagpasya ang Villenueva na sumakay sa yachts at mag-stay rito ng ilang araw for the gathering. Ire-realised next week ang new product ng kanilang brand pero sa gathering na ito unang ipapakita o ilalabas ang products sa mga exclusive lang na tao. Mga shares holder at iba't iba pang ka-partnership ng Villenueva. Nandito ako para sa kompaniya namin at para na rin sa mangyayaring interview at shoots. Ang mga kasama ko lang mula sa company namin ay ang journalist at photographer. Medyo hindi ako close sa kanila dahil nasa marketing department ako, pero so far ay nakakasundo ko naman sila at nakakausap. "Do you like the view?" Natigilan ako at napati

