AMARA: Magana akong pumasok sa trabaho. Pakiramdam ko ay galing lang akong bakasyon sa weekend, kaya naman heto, fresh ang utak ko ngayon. "Ihatid kita?" alok ni Kuya humihigop sa kape niya. Tinagiliran ko siya ng ulo. "Nope! Magpahinga ka pa. Wala ka bang hangover kagabi?" Umiling siya. "Hindi naman ako nagpakalasing." Ngumisi ako. "Exactly! Kaya dapat mas malakas ang tama sa 'yo," iling ko. "I have to go Kuya, bye!" Narinig kong tumawa siya at nagpahabol pa ng tawag. "Bakit ang saya mo? May boyfriend ka na 'no?" Natatawang nilingon ko lang siya at inilingan saka tuluyang lumabas na. Ewan ko ba kung bakit, pero pakiramdam ko nga ay ang gaan ng loob ko at inspired. Hindi ko rin ma-explain, all I know is I'm excited for tonight. Magkikita raw kami ni Shaq. "Aba, blooming ka?" Ngit

