AMARA: Nasa daan na ako pauwi nang tumawag sa akin si Chloe. Alam niyang pauwi na ako ngayon kaya naman pinapunta niya ako sa condo nila. May sasabihin daw siya sa akin. Kaagad akong nag-alala. Bihira lang magtawag ng kaibigan si Chloe, puwera na lang kung may problema siya. Kaya naman doon na ako nagpahatid sa condo nina Chloe. Sinabi ko na lang sa driver ni Shaq na kapag nagtanong ang boss niya ay sabihing naihatid na ako sa bahay. Pumayag naman siya kaya nagpasalamat na ako. Buti na lang talaga kaya kong mag- multitasking para sa mga kaibigan ko. Kumatok kaagad ako nang marating ko ang pinto nila sa tower. Ilang segundo bago ako pinagbuksan ni Chloe. "Amara!" pumait ang mukha niya at yumakap sa akin. Tinanggap ko ang yakap niya at hinagod siya sa likuran. Mula sa likod niya ay hinana

