AMARA: Nalilibang ako kay Beth dahil madaldal siya at makulit, iyon nga lang hindi siya masyadong madaldal kapag nakaharap si Shaq. Ang sabi niya ay nananahimik daw siya dahil boss niya pa rin ito at kailangang kumilos ng matino. Kapag nasa kuwarto kami ni Andre ay hayun, panay ang kuwento niya nang kung anu-ano. Ang pinakagusto ko sa kuwento niya ay kapag ang kinukuwento niya ay tungkol kay Jackson. Iyong mga simpleng bagay lang, mga bagay na walang kinalaman sa training o sa routine nila sa loob ng headquarters. "Alam mo Ate Amara, kung puwede ko lang sabihin sa kaniya na kasama kita, tiyak na iinggitin ko siya. Ate's girl daw siya, e," pagtukoy niya kay Jackson habang kasalukuyan kaming naglalaro ng baraha. Tinagiliran ko siya ng ulo. "Ate's girl siya kasi ako lagi niyang kakampi, pe

