AMARA: "Where are you going?" Madaling araw nang magising ako. Masakit pa ang katawan ko pero agaran akong bumangon nang mapagtanto ko ang mga nangyari ngayong gabi. I just had s*x with Shaq and his mother and brother are just at the first floor. Akala ko ay naging maingat ang galaw ko, peto nagising pa rin siya sa kilos ko. Pumikit ako bago siya balingan habang yakap ang kumot upang takpan ang hubad kong katawan. Namumungay pa ang mga mata niya at nakadapa habang nakatingin sa akin. Sinikop ko ang buhok ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi ako puwedeng makita ni Tita Celine na lumabas galing dito sa kuwarto mo," bulong kong sabi as if na maririnig kami sa labas ng kuwarto. Hindi ko pa nalilibot ang buong bahay ni Shaq, pero alam kong sound proof ang bawat kuwarto kaya imposibleng

