AMARA : Nakapangalong-baba ako habang pinapanood kumain si Jackson. Nasa dinner kami ngayon na ako mismo ang nagluto, kaya naman abala siya sa pagkakain at pagkukuwento ng mga karanasan niya sa training. Siyempre kagaya ng dati, binigyan uli sila ng isang linggong bakasyon sa training. Every month iyon. Masaya ako na kompleto uli kaming tatlo. Tumigil siya sa pagkain at malisyosong tiningnan ako. "Ate, baka natunaw ako!" kunwari ay reklamo niya. Ngumisi ako. "Sasaluhin kita." "Sus! Bakit ka ba kasi tumititig?" Halos matawa ako at dumiretso ng upo t muling ginalaw ang kurbyertos ko. "Wala lang! Feeling ko kasi isang buwan ka pa lang nawawala ay ang laki na ng pinagbago mo. Tumangkad ka at lumaki, hindi ka na mukhang teenager." Tumango si Kuya Flo kaya nag-apir kaming dalawa. "Hinihin

