Chapter 39: Stories

1016 Words

AMARA : Sa mga sumunod na mga araw ay natuloy nga ang therapy ni Andre. I wasn't there all the time, ganoon pa rin naman kasi ang routine ko. Tuwing weekend lang ako naroon, iyon nga lang ay kung dati ay dalawang araw, ngayon ay paisa-isang araw na lang. Pupunta ako roon ng Friday ng gabi at aalis nang Sabado ng hapon. Nakakahiya naman kasi kay Kuya Flo na puro si Andre na lang ang inaasikaso ko. Halos hindi na kami makapagsama sa weekend at hindi ko na rin maasikaso ang bahay, kaya naman hayan, binigyan ko na ng limitasyon ang mga pag-alis ko. Sinabi ko naman iyon kay Tita Celine at naintindihan niya. Mas okay na raw iyon kasi pati raw siya ay nahihiya na kay Kuya Flo. Kami naman ni Shaq ay nanatiling tago ang pagkikita namin. Sa hotel floor pa rin kami laging nagkikita. Mas gusto ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD