AMARA: Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. I'm trying to distract myself from an argument yesterday between me and Shaq. Matapos ng tawag na iyon ay hindi na siya nagparamdam. Hindi ko naman alam kung ako na ba ang dapat maunang tumawag dahil hindi ko masabi kung sino ba sa amin ang may kasalanan. I'm trying to understand him and comfort him, pero binabaan niya lang ako. Iniisip kong kasalanan ko, pero sa tuwing iniisip ko na pinipilit ko siyang ilapit sa Mama niya kahit na alam ko namang galit pa rin siya, naiisip kong baka ako nga ang may kasalanan? Pero kahit na ganoon ay tama bang hindi siya magparamdam? Dahil doon kaya malalim ang iniisip ko habang nakatingin sa monitor ng computer. Masama ito dahil kakaisip sa issue namin ay hindi ko magawa nang maayos ang trabaho ko. P

