AMARA: "Oy! Naka ilan ka na?!" Hindi ko pinansin si Chloe, nagtuloy lang ako sa pag-inom sa beer na hawak ko. Hindi naman ako lasinggera, pero kahit ngayong gabi lang ay gusto kong uminom, at kung puwede ay magpakalasing. Dalawang linggo rin akong nag-aasikaso kay Tita Celine at kay Andre. Buti na lang ay malakas na si Tita Celine, tamang-tama dahil gusto kong i-celebrate ang pagkaka-promote ko na kanina lang nai-announced. Hindi ko madaling nakuha ang pagiging TL ko, kinailangan ko pang i-entertain si Daniel Millers para lang doon, kaya naman deserve kong uminom ngayon. "Amara, tama na." Hahablutin sana ni Landon ang bote ng iniinom ko, pero hinigpitan ko ang hawak doon at inilingan siya. "Landon! 'Wag ka ngang KJ! Celebration ko ngayon, e." Napailing siya at binitiwan ang baso. Kahi

