bc

My Billionaire Husband's Son

book_age18+
52
FOLLOW
1K
READ
HE
escape while being pregnant
opposites attract
playboy
badboy
heir/heiress
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Labag man sa loob niya, napilitan magpakasal si Czarina sa isang matandang bilyonaryo na may malaki silang pinagkakautangan. She was 20 while the man was in his 50s, halos tatay na niya kung tutuusin.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, hindi lang siya ang tutol sa kasalang naganap. Ayaw rin dito ni Travis Montejar, ang nag-iisang anak ng kaniyang asawa. And from the city, umuwi ito sa kanilang probinsya upang siguruhing hindi niya mauutakan ang ama nito. Because he was thinking na isa siyang gold digger na inakit ang ama nito upang pakasalan at mag-abang ng mana.Unang kita pa lang nila ay nakatikim na siya agad ng kasungitan at kasamaan ng ugali ni Travis. Pero isang gabi, nagising na lamang si Czarina na hinahalikan nito at ginagapang sa kama.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Czarina Lei dela Cruz "AYOKO!" mariin at naiiyak na sabi ko. "Huwag n'yo akong pilitin sa gusto ninyo, nanay, o talagang maglalayas ako!" banta ko pa kahit sa isip ko ay hindi ko naman talaga kayang gawin iyon. "Pero, anak..." Agad kong ipinilig ang braso nang tangka iyong hawakan ni nanay. "Hindi ba kayo nanginginig diyan sa sinasabi n'yo? Sarili n'yong anak, ibibigay ninyo sa matandang iyon. At hindi lang basta ibibigay, pumayag pa kayong ipakasal!" Magkahalong takot at galit ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Kadarating ko lang galing eskuwelahan ay iyon agad ang sinabi ng nanay. Pinasok niya ako sa kuwarto at kinausap nang masinsinan. Sobrang halaga raw ng kaniyang sasabihin. "Madi-discharge na sa ospital si Patricia. Bukas puwede na raw siyang lumabas." Natuwa pa ako sa ibinalita niyang iyon. Isang buwan mahigit din mula nang maospital ang aking kakambal, si Patricia. Identical twins kami at magkamukhang-magkamukha. Pareho kaming pinag-aaral ni nanay sa isang State University rito sa 'min. Wala naman masyadong binabayaran dahil libre na ang pag-aaral doon, mga pambaon at pambili na lang namin ng pang-requirements ang kinakailangan. Nag-i-student assistant kami ni Patricia kaya halos wala na ring ginagastos ang nanay sa amin. Kung minsan ay sumasama ako sa trabaho ng nanay. Wala na kaming ama. He died many years ago, mga bata pa lang daw kami. Hindi na nag-asawa ang nanay at nag-focus na lang sa aming dalawang anak niya. Nagtatrabaho siya sa isa sa pinakamayamang tao sa bayan namin bilang mayordoma. Matagal na siyang nagtatrabaho roon kaya napapayag ang amo na mag-uwian. Just one month ago, naaksidente si Patricia. She was hit by a car. Tinakbuhan ito nang nakabangga. Kinailangan itong ma-confine nang matagal sa ospital dahil sa matinding pinsala na tinamo nito. Ikot-ikot noon si nanay kung saan uutang ng pambayad dahil lumubo ang bill sa hospital. "Salamat naman po kung ganoon. Na-miss ko na rin siya nang husto." Mahal na mahal ko ang kakambal kong iyon. She was my bestfriend, my best buddy, my partner. Kaya ganoon na lang din ang depression ko at sisi sa sarili dahil sa nangyari rito. Hindi kami sabay niyon umuwi dahil nauna ako. May bibilhin kasi ako sa bayan na project sa school. Kahit kambal kami at halos pareho sa lahat ng bagay ay magkaiba pa rin ang kursong kinuha namin. I took Architecture dahil iyon talaga ang pangarap ko, while she, Education ang kaniyang kurso. Alanganin tumingin sa akin si nanay at ngumiti. "O-Oo. S-salamat sa Diyos nga at okay na siya. S-Saka yong naka-hit-and-run sa kaniya, nalaman na rin kung sino at napadakip na sa mga pulis. Sasampahan na rin ng kaso...." "Mabuti naman ho at nahuli na.." "Anak..." May pangamba pa rin sa mukha ng nanay habang nakatitig sa akin. Nagsisimula na ring mangilid ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinapahid na niya iyon. "A-Anak..." aniya na sa basag na tinig. "B-Bakit, 'nay? Ano na naman ang problema?" Doon na siya nag-iiyak at niyakap ako. "Kilala mo si Sir Richard, 'di ba? 'Yong amo ko. Nagkita na rin kayo niyon dahil minsan na kitang naisama sa mansyon. Nag-iisa na iyon sa buhay. Patay na ang asawa. May isang anak pero matagal nang hindi umuuwi sa kaniya. Sobrang yaman niya, kita mo 'yon, kahit wala siyang ginagawa ay nagkakapera. Halos ka-edad ko lang din iyon matanda pa nga siya sa akin ng isang taon pero mas mukha siyang bata. Matikas pa rin ang katawan. Regular na nag-eehersisyo 'yon sa sariling gym. Mabait din. Sobrang bait niyon sa amin at hindi mahirap lapitan lalo 'pag pera. Naghahanap siya ng makakasama. 'Yong makakausap niya man lang na makakasundo niya..." Kilala ko ang tinutukoy ni nanay dahil nakita ko na nga ang Sir Richard na iyon isang beses. Mukha nga itong bata sa edad. Fifty-four na si nanay, ibig sabihin ay fifty-five na ito. Mukha nga lang itong nasa forties, at sigurado ako, noong kapanahunan nito ay maraming babae ang nagkakandarapa rito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, anak." Mayamaya ay seryoso nang wika ni nanay. Matatag na ang boses niya at hindi na naiiyak. Nanatili akong tahimik, kunot ang noo habang naghihintay sa sunod pang sasabihin nito. "Noong na-ospital si Patricia, siya ang tumulong at nagbayad ng lahat. Ginamit niya rin lahat ng koneksyon niya para mapahanap ang bumangga sa kakambal mo. Ang sabi ko sa kaniya, uunti-untiin ko ang pagbabayad ng utang, pero dineretsa niya rin ako." Tumigil si nanay at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko. Ang mukha ko hanggang buhok. Napalunok ako. Nagsisimula na akong kabahan ngunit hindi ko pa rin nakukuhang magsalita. "Ipinagtapat niya sa akin... Gusto ka niya, anak. Natipuhan ka niya no'ng minsang makita ka. Gusto ka niyang maging asawa. Pakakasalan ka niya at bibigyan niya raw tayo ng magandang buhay, lalo ka na." Para akong binuhusan ng yelo sa sinabi niyang iyon. Isang minuto rin yata ang lumipas bago muling kumurap ang aking mga mata. Ano? Ano'ng sinabi niya? Kursunada ako ng Sir Richard na 'yon? Gusto akong gawing asawa? Napalunok si nanay. "A-anak..." "At pumayag kayo?" Nang mag-sink in na sa isip ko ang mga sinabi niya ay saka lang ako nakapagsalita. Dahan-dahang umiling ang nanay. Kasabay niyon ay muli itong napaiyak. Hagulhol. "Patawad, anak. Umabot kasi ng halos kalahating milyon ang bill sa ospital. Sa private dinala ang kakambal mo at kita mo naman, talagang asikasong-asikaso siya roon. Sa totoo lang, kahit mamatay na ako kakatrabaho, hindi ko mababayaran ang halagang iyon. Kaya nang sinabi niya na gusto ka niya, k-kahit natatakot din ako, p-pumayag ako. Nasa hustong gulang ka na naman, anak. Bente ka na. Kesa naman kung sino-sino lang ang mapangasawa mo, maigi na 'yong secured na ang future mo. Mabait si Sir Richard. Sigurado akong --" "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" galit na galitna halos sumabog ang dibdib na sigaw ko. "Pumayag kayo? Hindi man lang kayo natakot para sa 'kin. Hindi n'yo man lang naisip ang mararamdaman ko!" "B-Balang araw, maiintindihan mo rin ako, anak. Patawad --" "Patawad?" asik ko. "Walang kapatawaran ang ginawa n'yo. Kulang na lang sabihing ibinenta n'yo ako. Ano'ng klaseng ina ka? Ano'ng klaseng magulang! Hindi ako papayag! Hindi ako papayag na makasal sa Richard na 'yon!" . . . . . NGUNIT wala rin akong nagawa. Hindi pa lumilipas ang kalahating oras nang may marinig kaming sunud-sunod na busina sa labas. Hinawakan ako ni nanay at umiiyak na tumingin sa akin. "Si Sir Richard na siguro 'yan. Ang sabi niya'y pormal siyang makikipagkita at mamamanhikan sa atin. Ayusin mo 'yang sarili mo. Paltan mo na 'yang uniform mo. Sumunod ka kaagad sa akin sa labas ah? Huwag kang magtatagal. Huwag mo siyang paghihintayin." Gustuhin ko mang tumutol ay wala akong nagawa. Kahit ano'ng pakiusap ko kay nanay ay hindi ako nito pinakinggan. That night, I met my husband to be. At kinabukasan na kinabukasan din ay nangyari ang aming kasal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook