Sabaw (Episode 2)

4047 Words
Batay sa mga napag alaman ko, si Amor ay nag tatrabaho nga kay doc na sya namang sumagip sakin noong naaksidente ako, at sya namang naging dahilan ng pagsisimula ni Kuya Nards ng kanyang negosyo. Nasa isip ko na baka tuwing gabi habang natutulog na ang matandang binabantayan ni Amor ay saka naman ito tumatakas para mag hanap ng kanyang mabibiktima. Dun ko naisip na sundan si Amor at ang doctor sa kanilang bahay para bantayan ang ginagawa ni Amor doon. Unang gabe ng pag manman ko sa bahay ng doctor ay wala naman masyadong nangyari. malaki ang bahay nila doc, yun yung mga klase ng mga bahay na kahit luma na ang itsura ay mukang mayaman parin ang dating dahil lang sa magagandang ilaw at palamuti ng buong bakuran nila. hindi gaanong mataas ang bakuran nila doc kaya kita ang hardin nila at veranda. may isang kwarto lang doon ang bukas ang ilaw. at yun ang duda ko kung nasaan si Amor at ang binabantayan nyang matanda. Tahimik ang paligid ng village nila, tanging huni lg ng mga kuliglig ang maririnig at malalayong tahol ng mga aso. Nakatago ako sa anino ng malaking poste doon na walang ilaw, naka suot ako ng itim na hoodie at pantalon na itim rin para hindi ako pansinin ng mga dumadaan. matyaga kong hinintay ang alas dose. sa mga oras na yun bukas parin ang ilaw ng kwarto. Nakita ko na may gumalaw na pigura na nagmumula sa kwartong iyon ng bahay. nakita ko si Amor na dumungaw sa bintana bago tinakpan ito ng mga kurtina. sandali lang ay namatay narin ang mga ilaw. lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko, may parte saakin na umaasang hindi sana totoo lahat ng kutob ko. Sa pag mamanman ko ay napansin kong naubos na ang sigarilyo na dala ko. walang tindahan na malapit kaya wala akong choice kundi maglakad papabalabas ng village nila. Maliwanag ang sikat ng buwan nung gabing yun at wala narin masyadong kotseng dumadaan sa kalsadang tinutumbok ko. Sa pag lalakad ko may may nakita akong aso sa dulo ng kalsada na naka upo. Malaki at maitim ang aso. nag simula nanaman akong kabahan sa nakikita ko kinusot ko ang mata ko na nag babakasakaling namamalikmata lang ako. pero hindi ito nawala. andoon parin at nakatayo lang ang itim na aso. Hindi na sana ako tutuloy pero nag bago ang lahat nung nakita kong tumayo ito at nakipaglaro pa sa isang dumating na aso. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. maka ilang hakbang pa ay may dumating na itim na kotse dali dali naman ako nag tago sa mga anino ng mga puno doon. nakilala ko ang kotse. kotse ito ni doc siguro ngaun pa lamang sya uuwi ng bahay galing sa ospital. hindi nako natuloy sa balak kong pag bili ng yosi bagkos dahan dahan akong sumunod pabalik sa bahay nila doc. nakita kong patay parin ang ilaw ng kwarto at patay na rin ang ilaw sa hardin at veranda nila. Nakita ko si Amor na lumalabas ng gate at may dala dala itong malaking trash bag, at parang bigat na bigat ito sa dinadala nya. hindi lumabas si Doc sa sasakyan nya pero nag bukas ng kusa ang trunk ng kotse at doon nilagay ni Amor ang trash bag na halos hindi nya na mabuhat sa bigat. Pagkasara nya ng trunk ay agad namang umalis ang sasakyan ni doc. Nakakapag taka ang ginawa ni Amor at doc. Ano kaya ang laman ng trash bag na yun. Mukang lumalalim ang mga pangyayari sa pag iimbistiga ko. Mukang mas may madilim na katotohanan ang mga pangyayaring ito. madaling araw na nang naisipan kong umuwi at ipagpabukas na ang patuloy kong pag iimbistiga. Kinaumagahan, dumiretcho ako sa paresan para kumain ng almusal. Maagang nag bubukas si kuya Nards, dahilan neto ay mas madaming customer sa umaga kumapara sa gabe. madami kasing kumakain sa kanya na nag tatatrabaho sa konstruksyun sa isang bagong pinapatayong gusali. Tuwing umaga din ay pansin na naka pwesto sa malapit sa paresan ni kuya ang isang baliw na nag sasalitang mag isa at nanghihingi ng limos, madalas itong niloloko ng mga nag gagawa doon. Minsan ay niloloko nilang kunin ang lata na pinaglalagyan neto ng limos galing sa mga dumadaang tao. pero agad naman nilang binabalik kasi bigla itong iiyak na parang batang nahulogan ng kendi. Madalas man syang pagkatuwaan ay hindi naman nakakalimot abutan sya ng mga trabahador doon. Lalo na Si kuya Nards na halos sya na ang nagpapakain umaga tanghali gabi. basta pag nakaramdam sya ng gutom ay bumabalik ito sa pwesto nya, at hudyat narin yun kay kuya Nards na abutan sya ng pagkain. Tao-tao ang bansag sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya, karamihan ay yung mga trabahador nga sa ginagawang gusali. Tao-tao kasi, yun ang bukambibig nya. Sa bawat may lumalapit sa kanya para mag bigay ng limos ay tao, tao, tao ang lagi nyang sinasabi. Oo nga naman tao nga naman ang mga lumalapit sa kanya. pero minsan Baka, Kambing, manok at iba't ibang hayup ang sinasambit neto, walang nakakaalam kung bakit o anong ibig sabihin nya doon. minsang lumapit ako sa kanya at baboy baboy baboy ang sambit neto. Eh ang payatot ko naman. "Aba ang aga mo ngaun utoy ah, diga'y wala kang pasok ngayon?" bati sakin ni Kuya Nards. "Opo, pero naisipan ko lang pong mag lakad lakad kanina nag biking kasi po ako. Kaso nagutom kaya dumiretcho napo ako dito" rason ko naman. Madami ng tao ang naka pila at kumakain na sa Nards Paresan, kaya lahat ng table ay okupado na. Pero dahil siguro suki nako ni kuya ay pina upo ako neto sa loob ng counter at doon pinag hain ng masarap na pares nya. "Ay sya dito kana umupo utoy at wala pang lamesang bakante" alok neto sakin. Isang maganda opurtunidad din yun kasi masisilip ko si Amor sa loob ng kwarto at para makita din kung anong ginagawa nya. Pero nakasarado ang kurtina ng kwarto at meron pala itong pintuan na naka pwesto sa gilid. hindi mapapansin sa labas kasi madilim doon kahit umaga gawa ng naka harang na kurtina. at parang hindi parin nakakauwi si Amor, naging tindahan at tahanan narin nilang mag tiyuhin ang Paresan. "Mukang may hinahanap ka utoy, kung si amor ay hindi pa sya nakakauwi ng gantong oras madalas alas otso o alas nuebe na sya hinahatid ni doc. "Hindi naman po si Amor hinahanap ko kuya, kayo talaga." sinungaling ko sa kanya. "Oh sya, pag seserbisyuhan ko muna ang mga kustumer" paalam neto sakin biglang may sumigaw sa isang lamesa ng "Kuya Nards! Sabaw pa!" "Okay!" -- Isang linggo kong inobserbahan si Amor at Doctor sa bahay nila, at pareho ang ginagawa nila gabi gabi. Sa pagitan ng alas dose at ala una ng gabe ay may inilalabas na trash bag na may lamang mabigat si Amor na sya namang kinukuha ng itim na sasakyan na duda ko ay si Doc ang nag mamaneho. Kung ano ang laman neto at kung saan eto dinadala ay wala pa akong ideya. yun ang susunod kong aalamin. Napag alaman ko na hindi pumapasok si Amor tuwing sabado at linggo kaya buong araw naman syang tumutulong sa paresan ni Kuya Nards. Malimit parin itong umiilag sa mga titig ko, tuwing andun ako't kumakain. "Tao, tao, tao" sambit ni tao-tao. nung dinaanan ko sya para mag bigay ng limos na pares na galing kay kuya Nards. "Oo, tao-tao. tao ako ikaw din naman tao ka" sagot ko naman. "Oo tao tao tao" salita neto. Bigla din namang lumapit sa kanya ang isang trabahador ng ginagawang gusali. "Baboy, baboy, baboy" sambit naman ni tao-tao sa kanya. "Aba loko to ah, baboy daw ako" sabi naman neto. "Iba na ata paningin nya sa bawat taong nakakasalamuha nya" sabi ko na man kay kuya. "Oo matagal na rin yan dito sa Cubao, minsan matatagpuan din tong si tao-tao sa libis nag lalakad, hirap kasi nabaliw sya ng kabataan nya palang" sagot naman ni Kuya construction worker sakin. "Kilala nyu po pala talaga si Tao-tao kuya" "Aba oo, dating kasamahan namin yan, kaso nabaliw ata sa babae kaya ganyan kinahantungan nya" sagot naman neto "Saklap po pala no?" sang ayun ko naman. "Sobra, oh pano mauuna nako't may gawa pa" Nag paalam narin ako kay kuya construction worker at nag paalam narin kay tao-tao. Napaisip ako bigla habang nag lalakad papunta sa motor ko, hindi ba kaya nababaliw lang din ako? baka hindi nga naman talaga aswang yung umatake saken kundi isang tao lang din? pero hindi eh hindi pwedeng tao yun, hindi ako lasing o nag dodroga para magkaroon ng ganung bisyun. Asong malaki at nanlilisik ang mga mata nya at galit na galit ito sakin na gusto akong pahirapan, Si Kuya Nards, may galit ba sya sakin at ipapagawa nya yun sa pamankin nyang aswang? Isang bagay na hindi ko pa napapatunayan. Pinagmasdan ko ang putol na braso ko, at muling nanumbalik ang inis at galit ko sa gumawa neto sakin. hindi, Hindi ako nababaliw at totoo ang nakita ko nung gabing yun. kaya ipagpapatuloy ko ang pag tugis sa kanya. Sa kanilang mag tiyuhin. Alam kong may kinalaman sa mga pangyayari si kuya Nards at Amor. Dumating nako sa pinag paparkingan ko ng motor ng biglang may kumalabit sakin sa likod na sya namang ikinagulat ko. "Tao, tao, tao" sabay turo neto sakin, "Oh tao-tao, diba binigyan na kita?" tanong ko sa kanya. "Pera, tao, tao, tao, ayaw tao, gusto kanin kanin" salita naman neto, at sadya namang wala kang maiintindihan sa mga sinasabi nya. Dumukot ako ng konting barya sa bulsa at inabot ito sa kanya, sabay naman itong nagtatalon sa tuwa. "Kanin, kanin, kanin" tuwang tuwang sambit neto habang palundag lundag papalayo sakin. Weirdo talaga pero hindi mo masisisi kasi nga baliw. Pinaandar ko na ang motor ko na pinamodify ko na ang silinyador neto ay sa kaliwa. matagal ko ding pinag ensayohang masanay ng pag mamaneho ng kaliwa. bago na itong motor kasi wasak na nung natagpuan ng mga pulis ang motor na gamit ko nung gabing yun. kinagabihan ay pinagpatuloy ko na ang imbestigasyun ko sa bahay ni Doc. sabado ng gabi at alam kong wala si Amor sa mga oras na yun. Alas dose ng gabe ay wala paring aktibidad na ngyayari sa bahay ng doctor, pero maya maya ay nakita kong may lumabas mula sa gate ng bahay. nakita ko si Doc na may dala dalang trash bag at animo'y may inaabangan. sandali pa ay may dumating na itim na sasakyan, parehong sasakyan eto na nung una ay akala ko si Doc ang nagmamaneho. lumabas ang driver ng sasakyan at parang namumukaan ko kung sino yun, pero hindi ko ma kompirma kasi medyo may distansya ang kinatatayuan ko sa bahay ni Doc. tinulungan neto ang doctor sa pag bubuhat ng mabigat na trash bag para ilagay sa trunk ng sasakyan. Pagkatapos ay sumakay muli ang driver at umalis kasama si doc. naisipan ko na silang sundan sa pagkakataong ito. Sinundan ko sila sa kahabaan ng Marcos Highway, direcho direcho lang ang mga ito hanggang makarating kami sa tulay papuntang cubao. sinugurado ko ang distansya ko sa kanila para hindi lang sila mawala sa paningin ko at para hindi rin sila maka matyag na minamanmanan ko sila. Nung makarating na kami sa aurora boulevard ay bigla kumaliwa ang sasakyan nila sa kanto ng bernardo, hanggang makarating sila ng 13th ave. At dun na sila biglang nawala, lumiko sila sa direksyun papuntang farmers market ng bigla silang nag lahong parang bula. nag ikot ikot ako sa farmers at isa isa kong tinitingnan ang mga kotse doon na naka parada, alam ko ang plate number ng sasakyan nila, yun ang una kong tinandaan. nung makarating nako sa palenke ay nakita kong may isang itim na kotse na naka parada katapat ng Gateway mall. Tiningnan ko ang plaka at yun nga ang kotse nila doc. pero nakakapag takang wala akong makitang tao sa paligid. may mangilan ngilan lang dumadaan karamihan ay mga nag tatrabaho sa mga contact center dun sa cubao. katapat ng gateway mall ang palenke ng farmers, patay na ang mga ilaw at wala ng bukas na tindahan doon. malamang kasi madaling araw na rin at nag papahinga din noon ang mga tao. pero hindi ako tumigil sa pag hahanap sa kanila. Pumasok ako sa loob ng palenke para tingnan kung doon ba sila pumunta, malawak ang loob ng farmers market, amoy parin ang nagpapaiwang alingasaw ng magkahalong lansa ng isda at ang amoy ng dugo ng mga hayop na k*****y doon. madilim at wala na gaanong ilaw na pumapasok galing sa labas ng farmers market. Pero bigla akong nagulat ng may mag bukas ng isang ilaw sa isang stall sa gitna ng farmers market. agad naman akong napa yuko at nagtago sa tumpok ng mga kahon na nag kalat doon. habang nagtatago ay sumilip ako sa mga awang na gawa ng mga patong patong na kahon. Nakita ko na biglang sumulpot ang dalawang tao mula sa ilalim ng estante na madalas pinag papatungan ng karne ng mga nagtitinda doon. "Saan sila galing?" natatakang tanong ko sa sarili. Ang nakakagulat pa ay si doc at ang kasama nyang driver ang nanggaling doon sa ilalim. at may kasunod sila isang malaking tao na may dala dalang malaking kutsilyong pang tadtad ng karne. Naka apron ito ng puti pero namula na gawa ng talsik ng dugo na makikita din sa buong katawan nya pati na sa muka. hindi ko marinig masydo ang pinag uusapan nila pero may mga malinaw na katagang nasagap ng tenga ko. "...Ulam... Mag dadala akong ng alak ... sa lunes mas madami pa ... ung fresh kung maari" yun ang mga narinig kong usapan nila bago sila tuluyang umalis. Balak ko pa sanang sundan sila doc sa pupuntahan nila pero mas na curious ako sa estanteng yun. Naiwan ang lalaking wari ko ay matadero at bumalik ito sa pinangalingan nya. sa ilalim ng estante, at malamang sya din ang pumatay ng ilaw na naka sindi. Nag lakad ako ng marahan papunta sa binabaan ng matadero, pero nung umabot nako dun, yung inaasahan kong may hagdan pababa doon ay wala. pero meron takip ng imburnal doon sinbukan kong iangat pero napaka bigat neto maliban sa mahirap mag buhat kasi iisa na lang ang kamay ko ay parang naka lock ito mula sa loob. Sumuko nakong iangat ang takip at akma ng lalakad papalayo ng biglang may narinig akong malakas ng lagabog. pag lingon ko galing ito sa takip ng imburnal. at unti unti itong umaangat... wala nakong oras para umalis at tumakbo... lagot. mahuhuli nila ako. --- Hindi tumuloy ang pag angat ng takip ng burnal pero bahagya na itong nakaangat at may nakita akong duguang kamay na naka atang dito.Marahil ay kamay iyon ng tagakatay at mukang nag sasalita pa ang may ari ng kamay na iyon, At Yun ang hudyat ko para makapatago. "Kumpleto ba at tama ang kilo? hindi pwedeng mabitin mga kustumer naten" sambit neto. "Oho kumpleto ho" sagot ng isa pang boses na nanggagaling din sa ilalim ng imburnal. "Akin na ihahatid ko na" sagot naman ng matadero. tuluyang nag bukas ang takip ng imburnal at rinig ko ang mga yabag ng matadero papalayo sakin. Nag tago naman ako sa may likoran lang ng estante hindi nakabukas ang ilaw kaya hindi rin ako mapapansin. bigla na lang kong lumandag nung may pagkakataon ako kaya nakua kopang mag tago, at muntikan na talaga akong mahuli. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin n mga taong ito sa akin. Pero ramdam ko na hindi maganda ang mga layunin nila. Lalong nag sumiksik ang mga tanong sa aking isipan. Ano ang lugar na yun sa ilalim ng imburnal? katayan ba yun ng mga hayup dito sa farmers? bakit sa imburnal naman nila ginagawa? at ano ang kinalaman ni Doc sa mga taong ito? at Bakit tumutulong si Amor sa ginagawa ng doctor? Mukang hindi lang aswang ang problema ko ngaun, mukang hindi lang aswang ang kailangan kong tugisin. Lumalalim at lalong nagiging madugo ang mga nalalaman ko at nadidiskubre ko. kailangan ko pa ba tong ipag pa tuloy? hindi ko na alam ang kinasasankutan ko. Panandaliang nag karoon ng pag aalinlangan sa dibdib ko. pero muli ay nakita ko ang putol kong braso. Kahit may pag aalinlangan na ay pilit kong pinatatag ang aking isipan at puso. "kaya ko to" sabi ko sa sarili ko. kailangan kong malaman ang puno't dulo ng mga pangyayari. (Samantala Sa Cubao Medical hospital...3a.m.) "Doc tawag po kayu sa emergency room" sabi ng isa nurse sa Doctor. "I'll be there" agad itong tumayo sa lamesa at dumiretcho papuntang emergency room. Malamig at tahimik sa mga oras na yun ang ospital. Tanging mga yabag lang ang maririnig na umaalingawngaw sa pasilyo na halos araw araw nang dinadaanan ng doctor na yun. "Doctor Buenaventura, where have you been? madami tayong pasenyente you were informed before had na maaga kang pumunta dito sa ospital." Salita naman sa kanya ng isang masmatandang doctor na kausap nya. "May emergency lang din ako at may mga tinapos, lang I'm here aren't I? lets go and help these people instead of you scolding me of being late" pabalang na sagot naman sa kanya ni doctor buenaventura. "Your ego will not save you this job Doctor, you took an oath and I am your superior!" salita naman ng mas nakakatandang doctor. "Lets cut the crap doctor Ulipyo, where are the patients" bigla kabig neto ng usapan nila. pag pasok ng doctor sa emergency room ay tumambad sa kanya ang tatlong sugatan at nag hihingalong pasyente na kasali sa isang banggaan sa C5. nag madali naman etong umalalay sa mga pasyente at nag pautos sa mga nurses ng first aid at dalhin sila isa isa sa operating room. Kailangan silang maoperahan at tanggalin ang mga bakal na naka tusok sa katawan nila. Halos mapatid na ang mga daliri sa mga kamay ng isang pasyente ang iba ay walang malay. Magaling na doctor si Doctor buenaventura, isa sya sa mga kilalang surgeon sa bansa, pero minsan kahit anong galing mo, kapag oras na talaga ng isang tao, kahit gawin mo man ang lahat ng makakaya mo para mailigtas sya sa kapahamakan, ay wala ka na talagang magagawa kundi takpan na lamang ng kumot ang pasyente at ibalita sa pamilya na kinuha na ng dyos ang kanilang kamag anak. Na taon namang pinag nensayuhan ni Doctor buenaventura. Ang magkaroon ng tatag at lakas ng loob sa bawat pasyenteng namamatay sa mga kamay nya. Sa tatlong pasyente ni Doc sa gabing iyon, dalawa dito ay binawian ng buhay. wala nang nagawa at hindi narin naagapan ng doctor ang kalagayan ng dalawa, malala ang mga tama neto sa katawan. Lumabas ang doctor sa ospital mula sa likod ng emergency room at nag sindi ng sigarilyo. hinihit nito ang malalim at ibinuga sa papaitaas, saka pinag masdan ang buwan. "Doc, handa na po ang mga katawan" tawag sa kanya ng lalaking nurse na sumunod sa kanya papalabas. "Sige salamat, halika yosi ka muna" alok ng doctor sa kanya. Agad naman itong pinaunlakan ng nurse.. "Anong kalagayan?" tanong ng doctor. "Maayus po" sagot naman ng nurse. "Tara kailangan kong makita muna" Agad naman pinatay ng nurse ang kakasindi nya palang na yosi at sumunod kay doc pabalik papasok ng ospital. Madilim at doble ang lamig ng pinasokan nilang pasilyo, ramdam ng nurse ang lamig ng paligid na hinimas himas neto ang kanyang mga bisig. "Lamig" banggit ng nurse. "Kailangan eh" sagot naman ng doctor. Binuksan ng nurse ang isang pinto na gawa sa bakal, gumapang ang lamig sa buong katawan neto nung hinawakan nya ang door knob. Pagkapasok nila ay may bumati sa kanilang isang matandang lalaki na naka uniporme, nakalagay naman sa likod neto ay "Coroner" "Doc, halika tingnan mo" sabay lakad neto sa isang bakal na higaan. Sa ibabaw ay may naka talukbong na tao. Marahang tinangal ng matandang ang kumot at tumambad sa doctor at sa nurse ang isang hubad at wala ng buhay at naninigas ng katawan ng isang lalake. "Makinis doc" dagdag pa neto. "Magaling, Unclaimed?"tanong ng doctor. "Isang linggo doc" "sige paki balot na, at paki lagay na lang sa sasakyan ko" utos ng doctor, habang hinagis neto ang susi ng sasakyan nya sa matanda. "Doc kamusta naman ang bagong mangangatay mo?" tanong ng nurse. "Maayus naman, malinis gumawa, iba talaga ng kamay ng babae kapag nag hihiwa" sagot ng doctor sa kanya. "Buti naman at kaya ni Amor maging matador" --- (NArds Paresan 3a.m.) "Kuya Nards! eto na po ung karne para sa Pares nyu" sabi ng isang malaking lalakeng balot ng dugo ang buong katawan lalo na sa suot netong apron. "Sige salamat pakisabi kay doc" sagot naman ni kuya Nards "Makakarating" Agad namang pumasok ang matanda pabalik sa maliit na kwarto na pinaglalagian ng kanyang pamankin, nag iiyak ito at hindi makausap ng maayus ni Nards. halos hindi na ito maka hinga sa sobrang pag iyak na para ba itong namatayan. "Ayoko na pong bumalik dun tsong di ko na po kaya ang pinapagawa ni Doc sakin" umiiyak at nagmamakaawang pakiusap neto sa tiyohin. "Amor, Anak ano kaba, alam mong malaking utang na loob natin Kay doctor, dahil sa kanya meron tayung ganito, meron kang pagkain higit sa lahat nakapag tapos ka ng pag aaral" pakiwari naman ng matanda sa kanyang pamankin. "Sobra na po, hindi ko na po kaya. nag aral po ako pero hindi po para sa ganun!" patuloy ang pag iyak ni amor, at halos lumuhod na sa tiyuhin neto matupad lang ang hinihiling nga dito. "Isipin mo, hindi na tayo siningil ng utang natin sa kanya, hindi narin sya kumukuha ng porsyento sa kinikita ng paresan natin, isipin mo ang nanay mo ang kapatid ko sa probinsya na umaasa lang saatin" pakiusap naman ng tiyuhin nya sa pamankin. pero hindi na sumagot si Amor napaluhod na lamang ito at umiiyak habang hawak naman ito ng tiyuhin sa balikan para pakalmahin. "Amor mag isip ka, ang tanging hiniiling lang ni doctor ay ang serbisyo mo" "Ayoko napo maging mamamatay tao!" "Amor, hindi ka maituturing na mamatay tao kung patay na ang kinakatay mo" --- Madaling araw na ng Makaalis ako sa Farmers market, punong puno parin ng kaba ang dibdib ko sa mga oras na yun. Paliwanag na ang langit at isa isa ng nagsisilabasan ang mga tao, may mga truck narin na nag dedeliver ng mga isda at karne. Safe na ko sa ngaun. Naisip ko na kung babalik man ako dito mamayang gabe ay kailangan kong mag dala ng kahit maliit na pang proteksyun sakaling hindi umayon sakin ang pagakataon. Linggo ng gabe, alam kong babalik ng pag pasok si Amor kay doctor, pero hindi ako pupunta sa bahay nila bagkus, doon ako mag aabang sa farmers market para malaman kung ano ang inihahatid nila doon at kung ano ang kinalaman ni doc sa mga taong yun. Nag dala ako ng kutsilyo at flashlight nung gabing yun, baka kung sakaling mapalaban ako ay meron man lang akong armas. nag abang ako sa may labasan ng farmers malapit sa MRT station, may nag titinda ng yosi kaya dunmuna din ako tumambay, Tanaw ko sa bandang dulo si tao-tao na natutulog sa saihg ng isang saradong gusali doon. alas dose ng tuluyang mamatay ang huling ilaw ng farmers market. si Inang na nag titinda ng sigarilyo ay nakapag latag narin sa banketa at nagpaalam ng matutulog. "ano ba ang inaantay mo at gabing gabi kana iho" tanong sakin ng matanda. "Ah wala naman po wala lang magawa sa bahay kaya nag hanap ako ng matatambayan. "Oh sya akoy matutulog na" Nag lakad nako papuntang farmers market at nag hanap ng pwedeng pag taguan, palihim akong pumasok, kunwaring normal lang at naliligaw ako sa loob, may mangilan ngilan pa kasing tao na nagliligpit sa loob. nung nakakita ko ng isang estanteng bakante, kumuha ako ng maliliit ng kahon at ipinatong ito sa harapan ko at nag tago ako sa ilalim ng mga ito, hindi nako mahahalata dito. Ang layunin ko ay makapasok sa ilalim ng imburnal at matuklasan ang sekreto nila doon. sa ngaun ang gagawin ko nalangay ang mag hintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD