Sabaw (Episode 3)

3193 Words
Hindi ako binigo ng kutob ko. Sa parehong oras ay dumating nga muli si Doc at ang kanyang kasamang driver na may dala dalang thrash bag, malamang ay nanggaling uli iyon sa bahay nila. kahina hinala talaga ang kilos nila. habang naka tago sa animo ng mga kahon ay hinanda ko ang kutsilyong dala ko, sakaling kakailanganin ko ito. Narinig kong nag bukas ang takip ng imburnal at nag bukas ang ilaw ng estanteng kinaroroonan neto, muli ay binati sila ng malaking lalake na sa mga oras na yun ay malinis pa ang kasuotan neto at wala pang bahid ng dugo. "Magandang gabe, doc. dala nyu na po ba?" tanong ng matador sa doctor. "Oo. natadtad na" sagot naman neto. Sinenyasan ng doctor ang kasama nya na buksan ang supot at agad naman itong tiningnan ng matador kasabay ang nakakakilabot na ngiti neto na akala moy naka kita ng ginto sa loob ng supot ng basura. "Isang linggo pa lang yang pumanaw" wika ng doctor. "Anong kinamatay?" tanong ng matador. "Aksidente, kita mo ang mga galos at sugat sa mga binti?" "Oo nga, di bale. madami parin namang bibili nyan" sagot ng matador. Batay sa usapan nila, mukang tao ang laman ng trash bag. pero hindi ako makombinse, baka aso, o pusa o kahit ano mang illegal na hayup na bawal ibenta sa normal na merkado, gayun pa man kailangan kong mapatunayan ang mga hinala ko, kailangan kong makita ang loob ng supot ang ang lugar sa ilalim ng imburnal. "Tara sa loob na tayo mag usap at kikilohin pa natin yan" Aya naman ng matador sa kanila. Lalong namumutiktik ang kaba na nararamdaman ko at hinahanda ko na ang sarili ko sa mga masasaksihan ko. Bumaba ang tatlo sa imburnal at agad namang namatay din ang ilaw sa may estante. kung ano mang transakyun ang ginagawa ni Doc dito ay sigurado akong walang legal sa mga yon, Sana mali ang hinala ko, sana hindi si doc ang utak ng mga nangyayaring ito. nung maka baba na sila ay nag abang ako na lumipas ang ilang minuto bago sumunod at nanalanging sana hindi na kandado ang takip ng imburnal. sinugaro ko muna na walang tao sa paligid bago ako kumilos. bitbit ang kutsilyo at inipong lakas ng loob at dahan dahan akong tumungo sa estante kung saan bumaba sila doctor. Bahagyang naka angat ang takip ng imburnal na nangangahulugang hindi ito naka kandado, salamat at tinupad ang hiling ko, hindi ko din alam kung dapat ko bang pasalamatan iyon. dahan dahan kong inangat ang takip at Sinalubong ako ng napaka sang-sang na amoy na alam kong hindi galing sa amoy ng isda or anong mang hayup na meron ang farmers market. Lansang hindi pamilyar ang ilong ko parang magkahalong dumi ng tao at nabubulok na hayup ang amoy sa ibaba, nag dalawang isip ako. Nakita ko na may makitid na hagdan na gawa sa kahoy ang makikita na naka usli sa butas, malamang yun ang ginamin nila pababa ng imburnal. At sinimulan ko na nga ang pag baba ko sa madilim at nakaka takot na butas na iyon. (Samanatala sa isang dako... sa isang lugar sa Marikina) Ay may nag lalakad na isang babae, naka uniporme ito ng pang opisina at akap-akap neto ang kaniyang dalang bag at mga papeles. Nag mamadali ito na naglalakad ang palinga-linga na animo'y may sumusunod sa kanya. pabilis ng pabilis ang bawat hakbang neto at pahigpit ng pahigpit ang hawak neto sa kanyang dala. Di kalayuan sa likoran nya ay may isang pigurang hindi mapaliwanag kung tao ba o hayup na sumasabay sa bilis ng hakbang neto. Madilim at walang tao ang lugar na iyon, tanging panaka nakang street lights lang ang liwanag na inaasahan ng babae para makita lang neto ang kanyang dinadaanan. malalayu pang distansya ng street lighsts sa lugar na iyon, at ang ibang ilaw pa ay hindi naka sindi. Pabilis na ng pabilis ang lakad ng babae at kalaunan at patakbo na ito. Alam nya na sinusundan sya at alam nyang hindi maganda ang hanggarin ng nilalang na sumusunod sa kanya. Tumigil sa pag lalakad ang babae at muli ay nilingon nya ang pigurang sumusunod sa kanya, na sa kasamaang palad ay patay ang ilaw ng streetlights na kinaroroonan neto. Ngunit sa tulong ng mahinang liwanag na nanggagaling sa buwan nakita neto ang anyo at hugis ng nilalang na tumutugis sa kanya. Isang matangkad at malaking hugis ng isang lalake ang nakatayo ang naka titig sa kanya. Kinakabahan ang Babae at kinuha neto ang selpon para tumawag ng saklolo ngunit ng buksan nya eto ay sa kasawiang palad ay ubos na ang batterya neto. Nawalan na ng pag asa ang babae at hinanda na lamang ang sarili sa mga susunod na mangyayari. Nag patuloy sa pag lakad ang babae at patuloy ding nag lakad ang hugis lalake na sumusunod sa kanya, na sya namang sinasabayan neto ang bilis at bagal ng lakad ng nya. At tumitigil din ito kung kelan tumutigil sa pag lalakad ang babae, na para bang pinag lalaruan nya eto. Tuluyang nawalan ng pag asa ang babae nung nakita nya sa dulo na ang dalawang magkasunod na street lights ay patay ang ilaw. Namumugto na ang mga mata ng babae, sa kawalan ng pag asa at kaligtasan ay hindi na neto napigilang umiyak. Muli ay nilingon nya ang pigurang naka sunod sa pero nawala na eto. lumuwag ang kanina pang masikip nyang dibdib. Pero ng lumingon ito ay tumambad sa harapan nya ang isang lalakeng may dala dalang malaking kutsilyo at naka tutok ito sa kanya. "Miss, Holdap to ibigay mo sakin wallet at selpon mo" Hindi agad umimik ang babae. Nakayuko lang ito at parang may binibigkas na kung anong salita. "Miss holda.." tumingala ang babae at nag iba ang itsura neto, bigla itong nagkaroon na matutulis at malalaking ipin na katulad ng isang aso at bigla itong sinakmal ang leeg ng holdaper. Talsik ang dugo neto at hindi na nakapalag ang holdaper. sumigaw ito ng sobrang lakas at pilit kumakawala sa pag kakakagat ng babae. pero hindi ito nag tagumpay. Lalo pang diniinan ang pagkasakmal neto sa leeg ng lalake kasabay ng lalong pag baon ng matutulis netong ipin at natagal ang malaking tipak ng laman na nanggaling sa leeg ng lalake. bakas sa muka ng holdaper ang pagkagulat. Nagkalat sa sahig ang dugo neto na ng galing sa sumisirit at halos nangalating laman na natira sa leeg nya. hinawakan nya pa eto para pigilang ang pag tagas at pag sirit ng dugo pero sinundan pa eto ng isa pang kagat ng babae sa kabilang leeg nya, dahilan para hindi na ito makalaban at humandusay na lamang. umibabaw naman sa kanya ang babae at ipinag patuloy ang pag ngasab sa leeg ng holdaper. Hindi na nagawang sumigaw ng holdaper. Habang patulog na kinakain at pinuputol ng babae ang ulo ng holdaper ay may lumapit sa kaniya na tatlong malalaki at maiitim na aso. Napatigil at napatingin ang babae sa mga yun. "Magaling Bunso" sabi ng isang boses na nangagaling sa pinaka malaking aso, na sa isang iglap bigla itong nag anyong tao. "Mag tira kanaman para sa amin bunso" salita ng isang kasama nilang aso na ngaun at anyong tao narin, bigla ay naging tao na ang kaninang malalaking aso. Ngumiti ang babae na punong puno na ng dugo ang buong katawan at tumayo at hinayaang pag pirapirasuhin ng kanyang mga kapatid ang holdaper. "Tara dalhin na natin to kay boss" salita ng isang lalaki na kanila lang ay aso. --- Patinde ng patinde ang alingasaw ng mabaho at masangsang na amoy na sumasalubong sakin habang pababa ako ng hagdan. mahaba pala at malalim ang imburnal. Habang pababa naman ako ay lalong padilim ng padilim hanggang sa wala nakong makita. Gusto ko na sanang gamitin ang flash light na bitibit ko pero baka mapansin nila ang ilaw na manggagaling doon. kaya minarapat ko nalang na hayaang mag adjust ang paningin ko sa dilim. Nung makababa nako ay may mahinang ilaw sa dulo ng lagusan na marahil ay nanggagaling sa isang kandila. nakatakip na ang kamay ko sa mga ilong ko sa sobrang hindi ko na kinaya ang amoy dito sa ilalim. Basa at malagkit ang lagusan na iyun, at parang sobrang haba. babad ang mga paako sa tubig na sobrang lagkit at madulas. dahan dahan kong tinahak ang dulo ng lagusan papunta kung saang nanggagaling ang ilaw. Nakapag adjust na ang mata ko sa dilim sa mga oras na iyon at nakita ko isa iyung malaking manhole na punong puno ng dumi at lumot. Napahawak ako sa pader at sobrang lagkit neto sa kamay na para bang humawak ako sa isang pader na punong puno ng basang lumot. napansin ko na sa bawat isa o dalawang metro ay mmay espasyo ang pader, na para bang pinaglagyan ng haliging konkreto. na maari ko namang pag taguan inkaso may lumabas mula sa dulo. Pero walang taong lumabas sa mga oras na yun. naka handa na ang kutsilyo panlaban kung bigla mang may umatake sakin. Pero naka abot nako sa dulo at papalapit na papalapit nko sa ilaw. dalawa ang daanan pag dating ko sa dulo sa kaliwa ay ung parteng may ilaw sa kanan naman ay purong kadiliman. Pumunta ako sa parteng maliwanag isa muli itong lagusan, hindi ko inakalang ganito ka lapad ag ilalim ng farmers market. Dahan dahan ay tumuloy ako sa maliwanag na parteng iyon ng kanal. At doon ikinagulat ko ang aking nakita at natuklasan. Halos Lumuwa ang bituka ko sa aking mga nasaksihan. Ang parteng iyung ng imburnal ay isang malawak na silid na punong punong kahon, at ang laman ng mga kahon ay iba't ibang parte ng tao! Marahil ay doon nanggagaling ang nakakasulasok na amoy, nanlaki ang mga mata ko at naduwal ako habang pinag mamasdan isa isa ang mga kahon. Ang lugar na iyon ay katulad din ng nasa itaas, may isa isa ding estante kung saan pwedeng mag sabit ng karne, kung sa itaas ay karne ng baboy at baka dito ay karne at putol putol na parte ng tao ang mga naka sabit! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ng dalawang mata ko. At lalo pakong nagimbal nung nakita ko na ang umaagos na tubig na kanina ko pang tinatapakan ay tubig na may kahalong dugo! Ang bawat kahon ay may lamang iba't ibang parte ng katawan ng tao, at organisado itong nakahiwalay, isang karton na puro kamay, isa naman ay puro hita at yung isang malaking karton ang laman naman aymga ulo! halos mahilo ako at mawalan ng malay. Ninais ko na sanang lumabas parang mag sumbong sa mga pulis ng bigla akong may narinig na mga boses na nanggagaling sa lagusan papunta pabalik sa hagdan. "Ang galing mo talaga bunso ang linis mo ng trumabaho, matutuwa si boss sayu nyan!" "Oo nga bunso baka bigyan tayu ng bonus, ibigay satin yung puso ng biktima mo! ang sarap nun mahal kasi yun eh" Halos lumundag ang puso ko nung narinig ko na may paparating, kailangan kong magtago pero saan? papalaapit na ang mga boses nila ibig sabihin lang ay malapit na rin nila akong mahuli. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at may nakita akong isang malaking basurahan na sa tingin ko ay mag kakasya ako, marahan akong tumungo at binuksan ko ang malaking takip ng bakal na basurahang iyon. pag ka bukas ko ay tumambad sakin ang isang mukang naka titig ng diretcho sakin at muntik nakong mapasigaw sa gulat. laman pala non ay ang mga katawang hindi pa nakakatay, buo pa ang kamarihan sa mga ito pero ung iba putol at kulang ang mga parte malagkit at halos nagdadagta na ang dugo ng mga patay na iyon pero wala nakong ibang pagpipilian. Sumampa ako at pumasok sa loob at tumabi sa mga bangkay. "BOSS! DITO NA KAMI! TINGNAN MO TONG GAWA NI BUNSO!" "Wala yata si boss" Naririnig ko mula sa basurahan ang usapan nila. "Baka nasa kabila" salita nung isa. "Uy may mga preskang atay oh" "Teka..." "Bakit kuya?" "May iba akong naamoy" "Ha? ano yun?" "Tao... may tao dito." "Malamang kuya, andami nila ayan oh napapaligiran tayo ng tao" sagot ng isang lalakeng kasama nila. Hindi ko alam kung ilan ang mga pumasok kasunod ko pero mukang mahigit sa dalawa ang naririnig kong boses. Hindi ganap na sarado ang basurahan na pinagtataguan ko ay meron itong maliit na awang sa takip. Marahan akong sumilip. "Tange hindi patay, buhay na tao." sagot nung isang pinaka malaki sa kanila. Tumambad sa akin ang apat na taong duguan. at mukang hindi galing sa kanila ang dugo. at ang masama ay mukang naamoy ako nung isang tinatawag nila kuya. Nakita kong nag aamoy sa hangin ang isang kasama nila. pinaka maliit sa magkakasama. iyon ay nag sipag sunuran na rin ang iba pa nitong kasama na mag amoy sa hangin. Para bang mga aso. "Naamoy nyu ba?" tanong ng tinatawag nilang kuya. "Oo, pero mahina. Alam mo naman kuya ikaw ang may pinakamalakas na pang amoy satin" sagot naman nung isa. Lahat sila ay pawang naka suot ng pang opisina, kaya nakapag tataka kung saan nanggaling ang mga dugo sa damit nila. Ang babae naman ay nakasuot ng sumbrero pero parang namumukaan ko sya, yunng totoo ay parang namumukaan ko silang lahat. hindi ko lang maalala kung saan ko ba sila nakita. "Mukang may nakapasok" "Hindi to maganda, mag galugad kayu" utos ng kuya nila. Napansin ko na ang babae ang mas may maraming dugo sa damit. . Nakita ko na ang tinatawag nilang kuya ay papalit sa basurahan kung saan ako nag tatago. Lagot na, kapag nahuli nila ako tiyak papatayin nila ko, mukang yun ang ginawa nila bago sila pumunta dito. Mukang may pinatay silang tao. Mukang sila ang taga dala ng mga bankay ng biktima nila dito. At tyak kapag nahuli ako ay hindi malayong braso ko lang ang mawala sakin, siguradong pati buhay ko mawawala rin. Sa Sobra kaba ko ay naririnig ko na mismo ang t***k ng dibdib ko na sya namag ikinatatakot ko. baka marinig nil at maging dahilan pa ng pagkapahamak ko. "Oh! Mga Aso, andito na pala kayo" malapit na ang malaking tao sa kinaroroonan ng biglang may nag salita sa likoran nila. "Amo!" sabay nag salita at bumati ang apat sa mangangatay. Yun pla ang amo nila. Tama nga ako. Sila nga ang utusan ng mangangatay. "Anong nangayari ba't parang balisa kayo" tanong ng amo nila. "May buhay na tao dito amo hinahanap ko namin" sagot ng tinatawag nila kuya. "Baka si Doc lang ang naamoy nyu" sagot naman ng amo nila. At biglang lumitaw nga si Doc mula sa anino. "Aba kumpleto ata kayu" bati ni doc sa kanila. "Andito ka pala doc, akala ko may nakapasok nang ibang tao dito" sagot sa kanya ng kuya. "Sino naman ang mag lalakas ng loob pumasok sa lungga ng mga aswang?" sagot sa kanya ni Doc, na sya namang ikinagimbal ko. Ngaun unti unti ng lumilinaw sakin ang lahat. Nasa loob ako ng kuta ng mga aswang, malamang isa sa kanila ang umatake sakin nung gabing yun. Kailangan kong malaman kung sino sa apat na yun ang pumutol ng braso ko. "May dala kayu?" tanong ng amo nila. "Opo amo" sagot naman nila. "Malinis ang pag kakagawa ni bunso ngaun hindi tulad dun sa unang biktima nya, pinutulan lang ng braso yun eh, diba doc?" dagdag pa neto. Nanlaki ang mga mata ko at naghalo ang galit at takot sa dibdib ko nung marinig ko ang sinabi ng tinatawag nilang kuya. tama nga ko! totoong aswang nga ang umatake sakin nung gabing yun! at yung bunso ang nila pala ang umatake sakin! walang hiya sila! "Oo naalala ko buhay pa yun" sagot ng doctor sa kanya. "Tiningnan nyu ba kung may tattoo yan? alam nyong ayaw ng mga cliente natin ang may tattoo" tanong sa kanila ng amo nila. "wala amo malinis yung karne ngaun" sagot ng kuya nila "Mabuti, pero madami tayong order kaya mag dagdag pa kayu ng isa" sabi ng Amo nila. "ha? Wala ka bang dala doc?" tanong ng babae. "Frozen eh, gusto ata ng cliente nyu fresh" sagot ni doc sa kanila. hindi normal ang usapan nila. yung tipong hindi mo maririnig na pinag uusapan sa isang normal na araw. Karne ang tingin nila sa tao, para itong mga mangangaso pero kabaligtaran, tao ang pinangangaso nila, nakakakilabot mapalibutan ng aswang, hindi ko lubos maisip ang sitwasyun ko ngaun, hindi ko inakalang mapapasok ako sa ganitong gusot. "Sige kaming tatlo na lang ang aalis at magkakarga ng mga karne mamayang pag balik namin amo, ikaw bunso mag bihis ka na at may pasok kapa" utos sa kanya ng Kuya nila. "Opo kuya" sagot naman ng bunso nila, at nagtanggal ito ng sobrero nya, doon tumambad sakin ang mukang hinding hindi ko pwedeng makalimutan. sya pala yung umatake sakin ng gabing yun. Kung makakalabas ako dito ng buhay humanda ka na sakin. hinding hindi kita mapapatawad at ang mga ka-uri mo! iisa-isahin ko kayu! "Oh sya sige na, umalis na kayu at nag aantay na ang mga cliente natin" utos ng amo nila. "Opo amo" sabay na sagot ng mga aswang. "Bunso, mag bihis ka na rin at aantayin kita sa labas sabay na tayong pumunta ng ospital" aya ng doctor. at alam kong sasabihin nya yun. bago pa sila mag si alisan ay lumingon pa ng isang beses sa basurahan na kina roroonan ko ang tinatawag nilang kuya. Sa tingin ko talaga alam nyang andun ako pero bakit kaya hindi nyako ibinuking? Sa pangyayaring yun andaming tanong sa isip ko ang nasagot. Una alam ko na bakit hindi ako pinatay at hindi tinuluyan ng babaeng yun. nakita nyang may tattoo ako sa dibdib papunta sa balikat, hindi rin nila mapapakinabangan ang katawan ko, pansin ko nga na ang lahat ng bangkay sa paligid ko ay mga walang tattoo. Pangalawa, Nalaman ko kung sino ang gumawa sakin neto. at hinding hindi ko sya mapapatawad, kahit kabutihan pa ang ginawa nya sakin nung mga panahong yun, sya din naman kasi ang may kasalanan ng lahat ng to. pangatlo, si doctor ay isa sa mga taong pumapayag na mangyari tong lahat ng to at isa sya sa mga nag susupply ng bangkay sa mga aswang, pero bakit? bakit iniligtas nya pa ako at tinulungang mabuhay? at bakit hindi ako hinayaang mamatay na lang. Dahilan ba ng konsensya kaya ganun? nasagot man ang mga tanong ko pero na dagdagan naman ito ng mas maraming pang katanungan. Pero sa ngaun ang tanging naiiwan sa isipan ko at talagang pinag iispan ko ay kung pano ko mapapatay ang babaeng yun, kung pano ako makakaganti sa ginawa nya sakin, at hindi ako papayag na malaya silang kumikitil ng buhay dito sa siyudad. Hindi ko to magagawa ng mag isa at alam ko yun, at kung kakailanganin kong patayin silang lahat ay gagawin ko. Pero pano? pano ko gagawin. kakailanganin ko ng tulong. Pero sino naman tutulong sakin, o maniwala man lang. Pero saka ko na muna iisipin. ang kailangan kong gawin ngaun ay lumabas ng buhay mula dito sa kuta ng mga aswang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD