“Nasaan lola mo, Dam?” Kasalukuyang nakakandong at nakasandal si Georgina sa malaking katawan at malalambot na hita ni Baymax. Siyang-siya sya habang hinihimas-himas ang bilog na bilog at malambot din na tyan ng stuffed toy. Nangingiti pa sya habang pikit ang mga mata. Di sya maka-get over sa bonggang surprise ni Adam sa kanya. Idagdag pa na tila sya lumulutang sa kawalan dahil sa katotohonang nobyo na nya ang lalaki. Napadilat ang kanyang mata nang pisilin ni Adam ang kanyang hita. “Hon, malapit ko nang pagselosan si Baymax.” “Naku! Naku! Nak! Nak! Naman ang bebe ko napakaseloso.” Mula sa malambot na kandungan ni Baymax ay lumipat si Georgina sa... uhh... matitigas na hita ni Adam. Parang mas feel nya roon. Mas feel nya pala yung matitigas. Kusa namang pumulupot ang kamay ni

