“Morning, Honey! Kain ka na don. Matatapos na ko dito.” Literal na napagulong ni Georgina ang mga eyeballs nya kay Adam. Imbes kasi na sya ang pagtuunan ng pansin ng binata ay nakikihati pa sa atensyon ang kanyang ina. Madalas ay mas nauuna pang asikasuhin ni Adam ang kanyang pabebeng ina kaysa sa kanya. Mas lamang ang panliligaw nito sa kanyang ina kaysa sa kanya. Naiinis na rin naman sya sa kanyang mama dahil patuloy pa rin ito sa matigas na pakikitungo kay Adam kahit todo-todo na ang effort na ipinapakita ng lalaki rito mapatunayan lamang na seryoso ito sa kanya. Darating si Adam nang fresh sa umaga at uuwi sa gabi na halos mukha nang hinugot sa kung saan. Naawa na lamang sya rito dahil kitang kita nya ang pagod sa mukha ng lalaki. Kung anu-ano na lamang kasi ang iniuutos rito

