“Haaayyy!...” buntong hininga ni Georgina. “Lalim ah! Oh kape,” pang-aalaska ni Maggie, sabay abot sa kanya ng isang tasa ng kape. Bagong timpla iyon base sa manipis nitong usok. “Bakit kung sino pa... ang syang marunong magmahal... ay syang madalas maiwan... nang di alam ang dahilan...” Sabay pa silang napalingon ni Maggie kay Agatha na bigla na lamang bumirit at sintonado pa. Naghuhugas ng plato ang kaibigan habang sila ni Maggie ay nagkakape sa may maliit na lamesa. Naiiling na lamang si George habang hinihipan ang mainit na kape. Muling nanariwa sa kanyang isipan kung papaanong napadpad sya sa Beauty Apartment na pag-aari ni Aling Beauty, limang taon na ang nakararaan... >>>> Halos magtatatlong linggo na simula nang maghiwalay kami ni Adam. Walang s

