“GET OUT! NOW!” Pabalibag na isinara ni Adam ang pinto ng kanyang opisina. Kauuwi pa lamang nya galing sa US dalawang buwan na ang nakakaraan ay sinalubong kaagad sya ng problema. Ang totoo, kabi-kabilang problema. Maganda ang takbo ng negosyo nila sa US. Ipinasa sa kanya ng ama ang negosyo. Mga hi-tech na kagamitang pambahay ang nasimulan ng ama, at ngayon nga ay maunlad na, at mas tumaas pa ang benta nang sya na ang maging CEO ng kompanya. Kabaligtaran ang nangyayari sa branch nila sa Pilipinas. Palugi na ang negosyo nila rito. Noon ay simpleng empleyado lamang sya sa branch nilang iyon. Ayaw nya kasi ng maraming obligasyon at tambak na trabaho. Mahal kasi nya ang night life. Mahilig syang gumimik at kabi-kabila ang mga babae... until George happened to him. Ipinilig ni Adam

