Gahibla na lamang ang layo ng mukha nina George at Adam sa isat-isa. Mahigpit na nakapulupot ang matigas nitong braso sa kanyang bewang nang maalala ni George si Bless na nasa mesang malapit lamang sa kanila. “A-Adam...yung b-bata...yung bata nakangudngud sa pinggan!” Dali-daling nilapitan ni George si Bless na nakasubsob nga ang mukha sa pinggan. Nang iaangat nya ang mukha ng bata ay pikit na ang mga mata nito. “Jusmiyo, Adam! Anong nangyari sa anak mo?!” hilakbot nyang tanong sa lalaki. Kalmante lamang na lumapit si Adam sa kanila at pinagpag ang mukha ng bata na pulos mumo ng kanin. “Ganyan talaga sya kapag nabubusog, nakakatulog.” Kinarga na nito ang anak. “I think we should better go na rin. Medyo may kalayuan dito yung tinutuluyan naming hotel.” Muli na namang nakaramdam

