“Tita, alis na po ako...” “Ma, umalis na po si Adam. Bakit naman po di nyo man lang kinibo yung tao?” nagtatakang tanong ni George sa kanyang pabebeng ina. Gulat ang namutawi sa mukha ng kanyang ina nang mamukhaan ang lalaking kasama nya sa kwarto ng kanyang mga magulang. Kung tutuusin ay wala namang nakitang malaswa ang kanyang ina. Nakaupo na lang naman sya at dumistansya na rin naman si Adam, yun nga lang hubad baro pa rin ang lalaki, at maliban na lamang din siguro kung narinig nito ang sinabi ni Adam. Hanggang makababa sila ng sala ay di sya kinikibo ng kanyang ina. Hindi rin ito humarap sa kanila at naglagi na lamang sa kusina. Di rin nito pinansin si Adam nang magpaalam nang umuwi ang lalaki Lumapit sya sa likuran ng ina upang silipin ang pinagkakaabalahan nito. Tila kas

