Ezekiel’s POV Hindi nagrereply si Lauren sa messages at hindi rin sinasagot ang tawag ko. Ano kaya'ng nangyari? Bakit nga ba parang patay na patay ako sa kanya? Ano ba'ng ginawa niya sa'kin? Wala na talaga akong pinapapuntang babae sa condo ko. Hindi ko na sila pinapapasok. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ko. Kanina ko pa chine-check ang cell phone ko kung may message siya kahit isa. Ngayon lang ako naghintay at nainip sa paghihintay sa message ng isang tao. Nahihiya lang ako sa nangyari sa first date namin. Hindi na ako sanay makipag-date. Matagal na rin kasi ang seryosong paglabas ko. Sa bar lang ang location na alam ko ngayon kaya naninibago pa rin ako tapos sinira pa ni Kianna ang diskarte ko. Kinausap ko naman si Angelo bago ko siya yayain. Pero hindi ko na nga hinintay iyong sag

