Lauren's POV Kinaumagahan, inihatid ako ni Kiel sa apartment ko pero hindi kami nag-usap dahil ang awkward ng silence sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang pinag-sasabi ko kagabi? Hindi ko na matandaan lahat! Alam kong kasalanan ko kung bakit dinala niya ako sa condo niya kaya hindi ako nag-hysterical na nasa kama niya ako. Gladly, hindi naman siya ang katabi ko. So... panaginip lang pala na nakayakap ako at hinalikan ko siya kasi kung hindi, namatay na ako sa kahihiyan. Ano nalang ang iisipin niya?! Napaka-easy to get kong babae? Nakakapanibago nga kasi hindi siya nang-aasar ngayon. Sobrang tahimik din niya. Bakit kaya? "Thank you. Bye!" Kaagad akong bumaba sa sasakyan niya at nagkulong sa kwarto. I can't believe it! Lauren! Inom pa! Inom nang inom tapos hindi pala kaya! Iiyak na

