bc

The Exiled Wife (Black Island Series #4)

book_age18+
536
FOLLOW
3.3K
READ
one-night stand
HE
second chance
lighthearted
office/work place
polygamy
like
intro-logo
Blurb

PROLOGUE

“K-KAILAN naman ako b-babalik, Jov? N-Nandito na kami ni Govan sa airport. B-Bakit... Bakit n-nagbago ang isip mo? G-Gusto mong m-maiwan muna ako rito?” tanong ko sa asawa ko mula sa kabilang linya.

Napatingin ako sa anak ko na karga-karga ko ngayon. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magbabalik kami sa Philippines at ilang beses ko na ring pinilit si Joavani na pauwiin na niya kami.

Ang saya ko pa noong ibalita niya sa akin iyon. Na puwede na kaming bumalik ng aming anak pero tinawagan niya ako dahil gusto niya... Si Govan lang, si Govan lang ang babalik at hindi ako kasama.

“Sundin mo na lang ang sinabi ko, Gotchelle... Si Govan muna ang uuwi. Don’t worry, mag-s-set pa rin ako ng schedule kung kailan ka naman babalik dito,” sabi niya at napabuntong-hininga ako.

“Ilang buwan kong hinintay ang araw na ‘to, Jov...” sambit ko at nangilid agad ang mga luha ko. Bumigat ang aking dibdib at parang nahihirapan akong huminga.

“Please... Kapag nakapili na ako ng araw na pauuwiin kita ay ako pa ang susundo sa ‘yo, Gotchelle...”

“B-Bakit mo ginagawa sa akin ‘to, Joavani? Akala ko ba... Akala ko ba ay wala na sa ‘yo ang lahat? Pagkatapos mong...ipa-DNA test ang anak natin at nalaman mo na i-ikaw... Ikaw naman talaga ang Daddy niya at hindi si--”

“Ngayon lang tayo nakapag-usap, Gotchelle. Kaya huwag mong hahayaan na mag-aaway pa tayo ng dahil lang doon. Oo, wala na sa akin ang lahat ng iyon. Naiintindihan ko na at alam ko na ang katotohanan. Just please, sundin mo na lang ako,” nakikiusap na sambit niya. I sighed again and caressed my son’s face.

“Hindi ka ba nagtataka, Joavani? Na kung bakit ang DNA test lang ng anak natin ang pinadala ko sa ‘yo? Na kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam ang mukha ni Govan?” nakangiting tanong ko sa kanya at nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Sumikip ang dibdib ko hanggang sa nararamdaman ko na rin ang pagkirot nito.

“G-Gotchelle...”

“He’s just like you, kamukhang-kamukha mo, Joavani. Walang duda...na anak mo siya. Kaya naman, hindi ko pinadala sa ‘yo ang mga litrato niya dahil gusto ko... Gusto kong makilala mo siya bilang anak mo at hindi mo siya pagdududahan... Jov... Sige, susundin ko ang sinabi mo. Basta...basta alagaan mo nang mabuti ang anak natin, habang...habang wala pa ako, ha? Mahal na mahal ko siya, Jov. Mahal na mahal ko ang anak natin,” sabi ko at buong puso kong hinalikan ang ulo ni Govan saka ko siya ibinigay sa babysitter niya.

“Gotchelle?”

“Kapag nakarating na sila. Tawagan mo ako agad, Joavani. Sige na...” sabi ko at ibinaba ko na ang tawag.

“Ma’am, sigurado po ba kayo na hindi na kayo sasama sa amin?” nag-alalang tanong sa akin ng babysitter ng anak ko. Umiling ako.

“Masyado kong nasaktan ang asawa ko noon at hindi ko siya pinahalagahan dahil lang sa...ibang lalaki ang gusto ko pero...hindi naman siya mahirap mahalin kaya susunod ako sa gusto niya. Sa mga inuutos niya sa akin. Basta po, alagaan niyo ang anak ko, ha?” sabi ko at tumango naman siya.

Naglahad pa ng kamay si Govan na tila ayaw niya akong lumayo at nang hinawakan ko iyon ay humigpit lang.

“Mam-ma...”

“See you when I see you, my son. Mommy loves you, always,” naluluhang sambit ko at nang nagsimula na silang maglakad papalayo sa akin ay pakiramdam ko may malaking bato ang nakadagan sa dibdib ko.

Ang mga luha ko ay nagmistulang ulan dahil sa sunod-sunod na pagtulo nito. Kumaway ako sa kanya kahit na pinipilit niyang tumingin sa gawi ko at umiiyak na siya.

Ito ang gusto ni Joavani, ang gusto ng asawa ko kaya susunod ako. Umaasa pa rin ako na hindi magtatagal ay ako naman ang aalis sa bansang ito pero hindi nangyari ang bagay na iyon.

Dahil noong tumawag siya sa akin at siya na rin ang susundo sa akin ay ako na ang umayaw.

Paano pa ako uuwi sa amin? Paano pa ako magpapakita sa kanya gayong...wala na akong silbi? Dahil noong pauwi na ako sa airport ay hindi ko inaasahan na may aksidenteng naghihintay pala sa akin at naging dahilan iyon kung bakit...naging lumpo na ako.

Hindi na ako makapaglalakad pa kaya kung uuwi pa ako sa mag-ama ko ay magiging pabigat na lamang ako sa kanila. Kaya mas pinili ko na rin ang manatili rito...ng ilang taon. Oo, umabot iyon ng ganoong katagal.

Madalas kong sinasabi kay Joavani na uuwi rin ako sa susunod na buwan pero lumilipas lang iyon at hindi ko tinutupad. Dahil sinasadya kong huwag tumuloy...

Hindi naman niya kakailanganin pa ang isang asawa na naka-wheelchair na lamang.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE “K-KAILAN naman ako b-babalik, Jov? N-Nandito na kami ni Govan sa airport. B-Bakit... Bakit n-nagbago ang isip mo? G-Gusto mong m-maiwan muna ako rito?” tanong ko sa asawa ko mula sa kabilang linya. Napatingin ako sa anak ko na karga-karga ko ngayon. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magbabalik kami sa Philippines at ilang beses ko na ring pinilit si Joavani na pauwiin na niya kami. Ang saya ko pa noong ibalita niya sa akin iyon. Na puwede na kaming bumalik ng aming anak pero tinawagan niya ako dahil gusto niya... Si Govan lang, si Govan lang ang babalik at hindi ako kasama. “Sundin mo na lang ang sinabi ko, Gotchelle... Si Govan muna ang uuwi. Don’t worry, mag-s-set pa rin ako ng schedule kung kailan ka naman babalik dito,” sabi niya at napabuntong-hininga ako. “Ilang buwan kong hinintay ang araw na ‘to, Jov...” sambit ko at nangilid agad ang mga luha ko. Bumigat ang aking dibdib at parang nahihirapan akong huminga. “Please... Kapag nakapili na ako ng araw na pauuwiin kita ay ako pa ang susundo sa ‘yo, Gotchelle...” “B-Bakit mo ginagawa sa akin ‘to, Joavani? Akala ko ba... Akala ko ba ay wala na sa ‘yo ang lahat? Pagkatapos mong...ipa-DNA test ang anak natin at nalaman mo na i-ikaw... Ikaw naman talaga ang Daddy niya at hindi si--” “Ngayon lang tayo nakapag-usap, Gotchelle. Kaya huwag mong hahayaan na mag-aaway pa tayo ng dahil lang doon. Oo, wala na sa akin ang lahat ng iyon. Naiintindihan ko na at alam ko na ang katotohanan. Just please, sundin mo na lang ako,” nakikiusap na sambit niya. I sighed again and caressed my son’s face. “Hindi ka ba nagtataka, Joavani? Na kung bakit ang DNA test lang ng anak natin ang pinadala ko sa ‘yo? Na kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam ang mukha ni Govan?” nakangiting tanong ko sa kanya at nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Sumikip ang dibdib ko hanggang sa nararamdaman ko na rin ang pagkirot nito. “G-Gotchelle...” “He’s just like you, kamukhang-kamukha mo, Joavani. Walang duda...na anak mo siya. Kaya naman, hindi ko pinadala sa ‘yo ang mga litrato niya dahil gusto ko... Gusto kong makilala mo siya bilang anak mo at hindi mo siya pagdududahan... Jov... Sige, susundin ko ang sinabi mo. Basta...basta alagaan mo nang mabuti ang anak natin, habang...habang wala pa ako, ha? Mahal na mahal ko siya, Jov. Mahal na mahal ko ang anak natin,” sabi ko at buong puso kong hinalikan ang ulo ni Govan saka ko siya ibinigay sa babysitter niya. “Gotchelle?” “Kapag nakarating na sila. Tawagan mo ako agad, Joavani. Sige na...” sabi ko at ibinaba ko na ang tawag. “Ma’am, sigurado po ba kayo na hindi na kayo sasama sa amin?” nag-alalang tanong sa akin ng babysitter ng anak ko. Umiling ako. “Masyado kong nasaktan ang asawa ko noon at hindi ko siya pinahalagahan dahil lang sa...ibang lalaki ang gusto ko pero...hindi naman siya mahirap mahalin kaya susunod ako sa gusto niya. Sa mga inuutos niya sa akin. Basta po, alagaan niyo ang anak ko, ha?” sabi ko at tumango naman siya. Naglahad pa ng kamay si Govan na tila ayaw niya akong lumayo at nang hinawakan ko iyon ay humigpit lang. “Mam-ma...” “See you when I see you, my son. Mommy loves you, always,” naluluhang sambit ko at nang nagsimula na silang maglakad papalayo sa akin ay pakiramdam ko may malaking bato ang nakadagan sa dibdib ko. Ang mga luha ko ay nagmistulang ulan dahil sa sunod-sunod na pagtulo nito. Kumaway ako sa kanya kahit na pinipilit niyang tumingin sa gawi ko at umiiyak na siya. Ito ang gusto ni Joavani, ang gusto ng asawa ko kaya susunod ako. Umaasa pa rin ako na hindi magtatagal ay ako naman ang aalis sa bansang ito pero hindi nangyari ang bagay na iyon. Dahil noong tumawag siya sa akin at siya na rin ang susundo sa akin ay ako na ang umayaw. Paano pa ako uuwi sa amin? Paano pa ako magpapakita sa kanya gayong...wala na akong silbi? Dahil noong pauwi na ako sa airport ay hindi ko inaasahan na may aksidenteng naghihintay pala sa akin at naging dahilan iyon kung bakit...naging lumpo na ako. Hindi na ako makapaglalakad pa kaya kung uuwi pa ako sa mag-ama ko ay magiging pabigat na lamang ako sa kanila. Kaya mas pinili ko na rin ang manatili rito...ng ilang taon. Oo, umabot iyon ng ganoong katagal. Madalas kong sinasabi kay Joavani na uuwi rin ako sa susunod na buwan pero lumilipas lang iyon at hindi ko tinutupad. Dahil sinasadya kong huwag tumuloy... Hindi naman niya kakailanganin pa ang isang asawa na naka-wheelchair na lamang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook