#BOOKISHHAVEN BIS#4: THE EXILED WIFE LYN HADJIRI Chapter 27: Justice MARAHAS kong binalingan ang lalaki na mabilis nag-iwas nang tingin sa akin. Halos lumabas ang mga ugat sa kamao ko. Habang may nalalaman ako ay mas kumukulo lang ang dugo ko. Hindi ko lubos na maisip na iyon ang gagawin nila sa isang inosenteng tao. “A-Ang sabi po ni Ma’am Deeiana ay kuhanan ko po ng litrato—” “Bakit ako nasama riyan?! Wala akong kinalaman! Joavani, please believe me! I don’t know anything!” depensa ni Deeina sa sarili niya. As if may maniniwala na sa kanya. “Deeina, silence!” sigaw sa kanya ng daddy niya—si Ninong Jesh. Galit na galit na siya dahil unti-unti na rin niyang nalalaman ang ginawa ng anak niya. “D-Daddy... W-Wala po talaga akong alam...” “H-Hindi po totoo ang mga sinabi ko noon... W

