Chapter 36

1039 Words
“Huwag ka mag-alala tutupad kami sa pangako. Ayaw rin naman namin na masira ang aming pamilya kaya hindi namin nanaisin na magkaroon ng gulo. Lahat naman tayo ay may maayos na pinag-aralan at maayos ang mga trabaho. Wala naman siguro may gusto na gumulo ang buhay at masira ang pangalan.” Sagot ni Marco. “Isa pa ay ayaw namin na malaman ni mama ang nangyari. Kawawa naman siya at tiyak na masasaktan. Kaya kung anuman ang nagawa ni papa sa iyo sana ay mapatawad mo. Maging sa nagawa ko. Hindi ko sinasadya talaga. Nadala lang ako ng galit pero sa totoo lang ay hindi ko naman yun magagawa talaga sa babae. Uminit lang talaga ang ulo.” Saad naman ni Marky. “Basta sa oras na malaman ng iba ang nangyari ay pasesyahan nalang tayo. Ipaiwas ninyo na rin ang ama ninyo na lumapit sa akin kung ayaw ninyong ako pa mismo ang magsubong sa mama ninyo. Sige na umalis na kayo dito sa unit ko!” inis na sabi ni Amanda. Tumango naman ang magkapatid at sabay ng umalis. Napahinga naman si Amanda ng malalim gustuhin man niyang matulog para makapag pahinga ay tuluyan ng nawala ang antok niya. Isinara niya mabuti ang pinto at gumawa ng note sa isip na bibili siya ng ibang padlock para makasigurado na hindi na mapapasok ng sinuman. Kinabukasan ay maagaang nagising si Sandro. Excited kasi siya na magsimula ng theraphy para makalakad na muli. Tinignan niya si Suzy sa tabi niya na tulog pa rin. Medyo naaawa at nahihiya siya sa asawa dahil napakadami niyang atraso’t pagkukulang sa babae. “Pangako Suzy, sa oras na makalakad na ako ulit ay never na ako gagawa ng mga bagay sa pwede kong pagsisihan at makasakit sa iyo. Hindi na kita bibigyan ng probelma at sama ng loob. Sana ay mahintay mo ako sa muli kong pagbangon. Mahal na mahal kita.” Aniya. Unti unti naman dumilat si Suzy. Ang totoo ay gising na siya pero tinatamad lang dumilat dahil medyo antok pa siya at tinatamad. Napadilat lang siya ng marinig ang sentimyento ng asawa sa kanya. Ngumiti siya kay Sandro sabay sabi na, “Gawin mo lahat para makabalik na sa dati. Tuparin mo ang sabi mo na kukuha ka ng nurse license at magtatrabaho sa abroad. Kapag nagawa mo iyon ay ako na ang pinakamaligayang babae. Gusto kong mangyari sa lahat ng makakabuti sa buhay mo. Hindi man perpekto ang pagsasama natin ay hangad ko ang kaligayahan mo.” “Suzy, ikaw ang kaligayahan ko. Patawarin mo ko sa pagkakamali ko. Masyado akong naging mayabang kaya heto ay baldado ako pero pangako ko ay huling pagkakamali na iyon.” Malungkot na sabi ni Sandro. Nakadama naman ng guilt si Suzy. Kitang kita kasi niya ang pagsisisi ng asawa, parang lahat ng gusto niya ay magagawa nito para lang patawarin niya samantalang ang totoo ay siya itong may mabigat na kasalanan. Kasalanan na hindi nga niya alam kung mapapatawad pa siya ng lalake maging ng Diyos at mga kapamilya nila. Nataihan niya sa ulo ang asawa at ang mas masama ay mismong kakambal pa nito ang kabit niya. Hindi man as in kabit dahil hindi malinaw ang relasyon nila ni Shane. Parang mas dapat pa nga sabihin na f**k buddies pero anuman ang matatawag sa relasyon nila ay kasalanan pa rin ang ibig sabihin nito. May sasabihin pa sana si Sandro pero nakarinig siya ng katok sa pinto at boses ni Shane, “Sandro? Gising ka na ba? Magandang magsimula ng theraphy ngayon hindi pa tirik ang araw dahil hindi pa mainit sa labas.” Nagkatinginan si Suzy at Sandro at sabay napatingin sa pinto. Sumagot naman agad si Sandro, “Gising na kami.” Tumayo naman na si Suzy ay binuksan ang pinto. Sandali silang nagkatinginan ni Shane pero agad umiwas ang babae at pinatuloy ang bayaw para tulungan si Sandro na nakaupo. “Kamusta ang pakiramdam mo? Ready ka na ba? Pwede mahihirapan tayo na bumaba ng hagdanan kaya sa ngayon ay papasanin kita muna sa likod ko.” Wika ni Shane. Wala naman nagawa si Sandro kung hindi ang pumayag. Mabilis naman siyang nabuhat ni Shane dahil mas malaki ang katawan nito sa kanya. Sa may garahe sila pumunta para gawin ang mga theraphy. “Okay dahil unang araw ay mga simpleng exercise muna ang gagawin natin, para lang muling magising ang muscle mo sa katawan. Dahil ulo, balikat, braso at kamay palang ang naigagalaw mo ay iyan muna ang uunahin natin na bigyan ng exercise. Madadali lang naman kaya siguradong hindi ka mahihirapan. Kayang kaya mo ito.” Paliwanang ni Shane. Totoo nga at madali lang nga mga excersice na pinapagawa ni Shane ramdam na ni Sandro agad ang pagsakit ng dibdib pababa ng tiyan tanda na nakakaramdam na ulit ito. Kaya naman sobrang saya niya agad. Masaya rin si Shane dahil responsive ang katawan ng kakambal, ibig sabihin lang ay talagang temporary lang ang damage na natamo nito. Si Suzy naman ay parang hati ang nadarama. Masaya siya dahil mukhang kahit sa unang theraphy pa lanang ay responsive na ang katawan ng asawa pero paano naman kaya ang private part nito na may damage rin. Gagana pa kaya ito? Magkakaroon pa rin ba ito ng lakas at kakayahan na paligayahin siya? Medyo magulo pa ang isip ni Suzy ng biglang marinig ang humahangos na si Amanda. Bakas sa mukha nito ang puyat dahil sa eyebags. “Sorry! Nalate ko, medyo namahay yata ako at hindi ako nakatulog agad. Mainit kasi sa kwarto parang hindi na sanay ang katawan ko na pinapawisan.” Wika ni Amanda. “Ayos lang halos kakasimula lang rin naman namin.” Sagot ni Shane na kay Sandro pa rin ang atensyon upang matiyak na nagagawa nito ng maayos ang mga exercise. Parang natauhan naman si Suzy saka napakamot ng ulo, “Hindi pa tayo nag-aalmusal. Maiwan ko muna kayo at magluluto lang ako sandali.” Saad niya saka mabilis na bumalik sa bahay. “Mukhang effective ang exercise sa iyo.” Wika muli ni Amanda habang tinitignan si Sandro. “Determinado kasi talaga ako. Gustong hindi matatapos ang linggo na ito na hindi ako nakakaupo ng mag-isa.” sagot ni Shane. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD