Chapter 37

230 Words
“Mabuti iyan. Mahirap rin talaga ang mawalan ng kakayahan na makalakad o makagalaw. Maraming mga activity na hind magawa ng mag-isa. Isa pa ay nakakawala talaga ng self-confidence. Huwag ka mag-alala kapag sa tulad mo na mabilis ang improvement hindi na tatagal ang isang taon ay makakabalik ka sa dati. Konting tiis lang.” nakangiting sambit ni Amanda. “Oo, salamat.” Tumatango na sabi ni Sandro. Napatingin siya sa paligid at napansin na wala na sa tabi nila sila Suzy at Shane. Nagsimula ng magsalang sa kalan si Suzy ng kawali at magprito ng mga itlog ng biglang makita niya na papasok sa kusina si Shane. “Bakit narito ka? Baka hanapin ka ng kapatid mo.” tanong ni Suzy. “Tulungan na kitang magluto. Naroon naman na si Amanda siya muna ang magtuloy ng session ni Sandro.” Sagot ni Shane. “Kaya ko naman na ito. Mas kailangan ka ng asawa ko.” Saad ni Suzy habang patuloy na nagluluto. Napansin ni Shane na matamlay at wala masyadong kibo ang hipag kaya agad niya itong niyakap ng mahigpit. Nagulat naman si Suzy at agad itinulak ang lalake. “Ano ka ba?! Alam mo ba na yung ninang ko sa kabilang bahay ay nakita tayong may ginagawa dito sa kusina? Mabuti at inakala na si Amanda at ikaw ang mga iyon!” galit na sabi ni Suzy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD