Chapter 38

246 Words
“Oh talaga? Nakita nila Aling Rosy ang ginagawa natin nung nakaraan?” natatawang saad ni Shane. Lalo naman sumimangot si Suzy. “Natatawa ka pa? Kamuntikan na nga tayo mahuli. Ano na lang ang sasabihin ng ninang ko kapag na nalaman na ako talaga iyon at hindi si Amanda? Masisira ang pagsasama naming ni Sandro, masisira pa ang mga pangalan natin. Nakakahiya. Pati mga pamilya natin ay magkakaroon pa ng samaan ng loob.” Sagot ni Suzy sabay tabig kay Shane. Napaseryoso naman na si Shane dahil nakitang hindi nagbibiro ang hipag. Napahinga siya ng malalim at naupo sa harap ng lamesa. “Suzy, malinaw naman diba na tinutulungan lang kita para mapunan ang mga pagkukulang ni Sandro? Wala naman tayong relasyon kaya hindi ka dapat maging affected masyado. Hayaan mo sa susunod ay pipili na tayo ng ibang lugar kung gusto nating magsiping. Pasensya ka na kung muntik na tayong mahuli. Naging pabaya ako. Huwag ka na magalit. Ayoko din mapansin ng kapatid ko na may problema o something na namamagitan sa atin.” Saad ni Shane. Napatigil naman sa pagluluto si Suzy. Napakagat siya ng labi. Medyo nasaktan siya ng sabihin nito na wala silang relasyon at parang s*x lang naman ang namamagitan sa kanilang dalawa. Tama naman ito pero hindi kasi ganoon ang pakiramdam niya. Siguro ay sa lalake ay simpleng init lang ng katawan pero sa tulad niyang babae, ang pakikipagsex ay may halong emosyon at hindi lang basta palipas oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD