“O-Opo, Ninang Rosa. Uuwi na rin po kami kaagad. Pwede po bang huwag na ninyo sabihin kay Sandro na nakita ninnyo kami rito ni Shane? Tulad nga po ng sinabi ninyo, ayoko rin po na mag-isip ng masama ang asawa ko, kahti po alam ko naman na hindi iyon mabilis na mag-aalala sa amin ng kapatid niya.” Nahihiyang saad ni Suzy. “Sige, pero sa susunod sana kung nahihilo ka man ay sa hospital, hindi sa hotel. O kung pwede umuwi nalang kesa tumuloy pa sa mga lakad.” Sagot ni Aling Rosa. Medyo natakot si Suzy dahil hindi tulad noon na masayahin ay seryoso ang mukha at boses ng matanda. Badtrip pa rin kasi si Aling Rosa sa asawa kaya talagang nawala ang natural niyang pagkamasayahin, isa pa parang anak na ang turing niya kay Suzy, iniiwas niya lang ito sa mga chismis dahil noon pa man ay marami ng

