“W-Wala pa po pero parang may mutual understanding na po kaming dalawa ni Amanda, nakita ninyo naman po siguro na halos sabay kaming umuwi dito sa bansa.” Sagot ni Shane. “Iho, ang payo ko lang sa iyo ay humanap ka ng ibang babae. Iyong matino, hindi malandi. Isa pa ay huwag rin sa may sabit. Sige na mauna na ako sa inyo.” Saad ni Aling Rosy sabay lakad papalapit sa elevator. May sasabihin pa sana si Mang Jose sa kanila pero hinabol na nito ang asawa. Halos manghina si Suzy at hinila nito si Shane pabalik sa kwarto. “Bakit gusto mo pa ba ng isang round?” natatawang tanong ni Shane. “Nakakatawa ka pa talaga? Nakita mo na nga na muntik na tayong mahuli. Kinakabahan ako tuloy dahil baka lagi na nila tayong matyagan. Baka isumbong tayo sa kapatid mo.” Inis na sabi ni Suzy. Niyakap naman

