Mabilis na hinabol ni Mang Jose ang asawa. Naiwan pa ang mga gamit nila sa loob ng hotel. Wallet lang ang nadampot ni Aling Rosa pero alam niyang desidido na ang asawa na umuwi at iwan siya roon. “Rosa, sandali mag-usap muna tayo. Wala naman kaming relasyon ni Amanda. Kung may nangyari man sa amin noon ay hindi na mauulit pa dahil hindi naman niya ako gusto talaga. Isa pa ay may sasabihin ako tungkol sa inaanak mo.” Saad ni Mang Jose. Napatigil naman sa mabilis na paglalakad si Aling Rosa ng marinig na may sasabihin tungkol sa inaanak. Inantay niya kung ano ang sasabihin ng asawa habang nakasimangot. “Alam mo ba na hindi si Amanda ang nakita mo noon na kalampungan ni Shane sa loob ng bahay ng inanak mo? Kung hindi si Suzy mismo. Nakita ko na sila kanina na magkasama rito. Ang sabi pa ng

