Mabilis na sumakay ng taxi si Aling Rosa at nagmamadali na makauwi sa kanila. Gusto niyang kastiguhin ang mga anak. Masama ang loob niya sa mga ito. Alam na pala na ng iyon na may ginawang kalokohan ang ama pero hindi man lang sinabi sa kanya. Akala pa man rin niya ay kaya nagbook ng hotel ang mga ito ay para lang sa nalalapit na anniversary nila ng ama ng mga ito, iyon pala ay para maayos ang problema. Hindi niya matanggap na nagawa ng asawa na gumalaw ng ibang babae dahil lang sa hindi na niya ito napagbibigyan sa s*x. Traffic kaya napatingin siya sa labas ng bintana at nakita na nasa tapat sila ng Gigolo club. Ewan ba niya pero wala sa sariling pumara na siya at lakas loob na pumasok sa loob ng bar. Gay bar iyon kaya karamihan sa mga customer ay mga bading pero meron rin mga babae

