Nilapitan siya ng isang baklang waiter at inabutan ng menu. Medyo madilim ang paligid kaya nahirapan si Aling Rosa na makita ang nilalaman niyon kaya tinanong nalang kung meron sisig at beer. “Opo, meron kami. Yung nga ang specialty dito sa bar.” Tumatango na sagot ng waiter habang nililista nito ang order. Napatingin ito sa kanya at nahalata na parang problemado siya. Kaya umupo ito sa tabi niya saka siya tinapik, “Ma’am, bukod sa waiter ay ako rin ang floor manager dito. Mukhang malungkot po kayo. Baka gusto ninyo po ba mawala ang problema ninyo kahit sandali.” Napakunot noo naman si Aling Rosy at napatingin sa bakla, “Anong ibig mong sabihin?” “Lahat po ng narito sa bar ay mukha lang masaya pero for sure ay may mga problema din tulad ninyo, kaya sila nagpupunta sa mga ganitong lugar

