Akala niya ay magugulat ito sa sinabi niya pero mabilis nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa isang braso nito at ito naman ang mahigpit na humawak sa isang braso niya. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. "Really, Judith?!" "L-Lucas, n-nasasaktan ako!" pigil na sabi niya rito nang maramdaman ang mas lalong paghigpit nito. Nang bitawan siya nito ay mabilis siyang napaupo sa may sahig. "I didn't know that I fell in love with a w***e 2 years ago!" sigaw nito sa kan'ya na siyang ikinagulat niya. Dahan-dahan naman siyang tumayo. "A-ano bang pinagsasabi mo, Lucas?" gulat na gulat na tanong niya. "Hindi ka pa ba nakontento na pinaniwala mo ako noon na matino kang babae? Na malinis ka?! Na ako lang ang lalaki mo ha, Judith?!" "Lucas, please ano ba ang pinagsasabi mo?

