Kaagad naman siyang natulala sa sinabi nito. Nakaramdam din ba siya ng panghihinayang na positive ang naging result ng DNA ni Lucas at ng anak ni Beatrice? Pero bago pa siya tuluyang makasagot ay tumawag na ang kapatid niya. "Hello, ate? Hindi ka pa ba uuwi? Kanina pa kasi umiiyak si Luke e," sabi ng kapatid niya mula sa may kabilang linya nang sagutin niya ang tawag. Mabilis na rin niyang pinatay ang tawag at sinabing pauwi na siya. "I'm sorry Vince, pero kailangan ko ng umuwi." At mabilis na tumayo. Mabilis din na tumayo si Vince at nag-iwan ng ilang libo at mabilis siyang sinundan. "Hatid na kita." Sabi nito at inakay na siya palabas. Nang makasakay ng sasakyan nito ay wala isa man sa kanila ang umiimik. Pero nagulat siya nang tawagin siya nito. "Judith?" Lumingon naman siya

