Nang makarating sa trabaho ay parang lutang pa rin siya. "Good--" nabitin si Kenneth sa pagbati sa kan'ya nang makita ang itsura niya. "Hey, Judith? What is wrong?" kunot-noong tanong nito sa kan'ya. Pero umiling lang siya ng dahan-dahan. Nakakunot siyang pinagmasdan ni Kenneth at sinipat-sipat. "Tao pa ba ang secretary ko o robot na?" seryosong tanong nito sa kan'ya. Siya naman ang napakunot-noo. "Ha?" Agad naman itong napangiti sa kan'ya. "Wala." At pinitik ng marahan ang noo niya. "Halika na, magtrabaho muna tayo." Hila nito sa kan'ya at tinuro na nito ang lamesa niya. Nang ganap siyang makaupo ay pinilit niyang mag-focus sa trabaho niya. Napaangat siya ng tingin nang makita ang anino sa harapan niya. Halos magulat naman siya nang makita ang nakangiting mukha ni Kenneth. "Ano

