2 years after. "Hello Baby Luke, ang cute-cute talaga ng pamangkin ko," ngiti ng ate niya sa anak niya habang karga-karga nito iyon. "Siyempre naman, ate. Mana sa mama," ngiting sagot naman niya sa ate niya. "Oh sige na, Dith. Eto na ulit si Luke, papasok na ako sa trabaho. Alagaan mong mabuti ang pamangkin ko ha." At mabilis nitong ibinigay sa kan'ya ang anak. Kaagad naman siyang napangiti rito. Daig pa kasi siya ng ate niya kung mag-alala para sa anak niya. Nang makaalis ang ate niya ay mabilis niyang pinadede ang anak para matulog. Nang makatulog ang anak ay malungkot niya itong tinitigan. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito at mapait na napangiti. Gwapo ang anak niya pero hindi niya alam kung kanino talaga ito nagmana dahil hindi niya ito kamukha. Malungkot niyang binalik

