Halos ala-una na nang bumalik siya sa may table niya. Pagkatapos ay tinuloy na niya ang mga dapat niyang tapusin. "Ano kayang problema ni sir, no? Bakit kaya mainit ang ulo niya?" dinig pa niyang sabi ng nag-uusap na mga accountant na kalalabas lang mula sa opisina ng boss niya. "Oo nga, ngayon lang nagkaganoon si sir" dinig pa rin niyang sabi ng mga ito nang makadaan ang mga ito sa harapan niya. Kinakabahan man ay pinagsawalang bahala na lang niya ito at tinuloy ang ginagawa. Ilang minuto lang ay biglang tumunog ang intercom. Nang sagutin niya ito ay mabilis itong nakapagsalita. "Where are you? I told you we need to talk!" dinig niya ang pinipigilan nitong galit sa boses. "Sir, pasensiya na po pero oras pa kasi ng trabaho ngayon, kailangan ko pa---" "Are you being serious for rea

