Kinabukasan ay wala siyang naidahilan para hindi makasama sa hiking dahil kinausap siya ni Vince. Isang medium size lang na bagpack ang dinala niya. Nagsuot lang siya ng isang itim na leggings at itim na tshirt na itinali niya sa may gilid. Sa Mt. Daraitan daw sila pupunta sa may Tanay, Rizal. Nagluto siya nang pack-lunch kung sakaling magutom sila sa biyahe papunta roon. Palabas na siya ng mansiyon nang tawagin siya ni Beatrice. "Can you carry this bag for me?" taas kilay na sabi nito. Agad naman siyang napatango. Pero bubuhatin niya palang ito nang bigla itong kuhanin ni Vince mula sa kan'ya. "This is your own bag, kay Lucas mo ipabitbit kung gusto mo." At mabilis na siyang nahila ni Vince palabas. "Thank you, Vince," nahihiyang sabi niya. "Huwag ka ngang pumapayag na tinatapa

