Kinabukasan, kahit hindi kaagad nakatulog ay maaga siyang nagising. Hinanda na niya almusal nila tutal ay siya naman ang talagang nakatoka sa mga ito. Pero ilang minuto lang ay lumabas na rin si Lucas at nagsimulang mag-stretching. Kaagad niyang iniiwas ang mga tingin lalo na nang makita niya ang mga masel sa katawan nito. Matapos makapagluto ng almusal ay nagpalit na siya nang damit. Pupunta kasi sila ngayon sa Tinipak River at doon mag-swiswimming. Isa-isang nagsigisingan ang mga kasama niya. "Goodmorning, beautiful!" bati sa kan'ya ni Vince nang magising ito. Si Beatrice naman ay mabilis na lumapit kay Lucas at hinalikan ito sa may labi. "Goodmorning, babe!" masiglang bati nito. Sabay baling sa mga kaibigan nitong babae. "Girls, tara let's eat na. Good thing Lucas maid is her

