Bella's Primary Grades
Sa isang simpleng lugar na may maaliwalas at sariwang hangin, mga ibon na nag aawitan, tahimik at masaya ang manirahan dito. Sa lugar na ito lumaki kami ng sabay sabay ng mga kaibigan kong sina Caren, Menchu,Angelica na kapatid ni Caren at kasama ang mga pinsan kong sina Moira Geny at Louise at ang kapatid kong si Charlotte.
Ako si Bella labing isang taong gulang, magkasing gulang kami ni Caren at kami ang pinakamatanda sa kanila, si Menchu naman ay bata ng isang taon sa amin. Si charlotte naman bata ng isang taon kay Menchu. Sina Angelica, Moira, Louise at Geny naman ay magkakasingulang sila.
Ako ang pinakatahimik sa lahat at mahiyain dahil pakiramdam ko na ako ang pinakapangit sa aming magkakaibigan. Di tulad ng mga kaibigan at kapatid at pinsan ko na magaganda at kahit bata palang nagkakaroon na sila crush sa bawat makita nilang cute na lalaki. Subalit ako ay isang inosente pa pagdating sa mga crush o sa love dahil nakatuon lang ang pansin ko sa pag aaral,pamilya at paglalaro kahit pa na nasa ikalimang baitang na ako.
Kami ay madalas maglaro ng bahay bahayan at kung minsan pumupunta kami sa parke na malapit lamang sa aming mga bahay. Araw araw yun ang ginagawa naming magkakaibigan. May mga kalaro din naman kaming mga batang lalaki na ang ilan dito ay pinsan ko.
Habang naglalaro kaming magpipinsan lumapit sa amin si Caren.
"Menchu, alam mo bang may bagong lipat dun sa likod ng bahay namin?" mabuting balita ni Caren.
"Ay, oo nga" sangayon naman ni Angelica.
"Tara tingnan natin baka mayroong cute boy" aya ni Menchu na kinikilig.
"Oi..ano ba kayo? San ba kayo pupunta? Tanong ko.
Hindi nila sinagot ang mga tanong ko dali dali itong mga nagsialisan sa pinaglalaruan namin, ako'y napailing na lamang at pinagmasdan habang papalayo ang mga ito..
"Bella! Bella! tawag sa akin ni lola loleng."halika nga muna rito bantayan mo saglit ang tindahan, pupunta lang akong C.R"
"Okay, po lola."
"Nasan pala mga pinsan at kapatid mo?"
"Ahm, may pinuntahan lang po sila lola."
"Naku! Mga batang yan gala ng gala.."
Maya't maya pa dumating na sina Charlotte at mga pinsan ko.Hinihintay ko na magkuwento saken ang mga ito ngunit, tahimik lang ang mga ito. Umalis sina Caren na wala man lang kakuwento kwento.
Hindi ako nakatiis na usisain sila. " May nakita ba kayong cute na batang lalaki?"
"Oo, kaya lang mukhang mayabang naman iyon.." sagot ni Geny.
"ah, talaga? Gwapo ba?" Tanong ko.
"Oi, si ate Bella, interesado ka ba sa kanya?" tukso ni Moira.
"Hindi ah, nagtatanong lang naman ako".
"Crush na nga agad iyon nina Caren at Menchu eh".sabi naman ni Louise.
Kinabukasan, maaga kami pumunta sa bahay ng lola ko..kasama ang mama ko iniwan nila kami doon dahil magtatrabaho sila ng tatay ko.
Sa tuwing nasa bahay kami ng lola ay agad na hinahanap nila Caren at Menchu ang kapatid kong si Charlotte. Masyado malapit si Charlotte sa mga pinsan ko at sa mga kaibigan namin. Hirap silang pakisamahan ako dahil sabi nila boring akong kasama.
"Oi, tara laro tayo sa Park," Aya nila Menchu at Caren.
Hindi nila napansin si lola Loleng, na nakaupo sa kanyang tumba tumbang upuan sa loob ng tindahan.
"Ano yang naririnig ko? San na naman kayo pupunta?" Saway ni lola loleng.
"La, pwede po kaming maglaro sa park?" tanong ni Charlotte.
"Hindi, hindi kayo pwedeng maglaro sa Park, baka kung anong mangyari sa inyo doon" sagot ni lola Loleng.
Naiirita si Charlotte, dahil ayaw silang payagan ni lola Loleng. Hanggang sa nakaisip ng paraan ang aking kapatid at mga pinsan ko kung paano sila mapapayagan ni lola Loleng.
Lumapit sa akin si Cahrlotte. "Ate Bella, pwede bang sumama ka sa amin? tanong ni Charlotte.
Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako o hindi. "Isasama lang nila ako kapag hindi sila pinapayagan ng lola ko." napabuntung hininga ako.
"Oo nga Bella, sige na sumama ka na sa amin." panghihikayat ni Caren sa akin..
"ahm, ayaw kong sumama."
Halatang nainis sina Caren at Menchu.
"Bella, ang kill joy mo" sabad ni Menchu.
"Okay okay. Sasama na ako.
Pinayagan kami ng lola. Habang kami ay naglalakad, hindi mapigilan nila Menchu at Caren ang magkuwento.
"Grabe, Bella kung sumama ka nakita mo din yong bagong kapitbahay namin." Pagyayabang ni Caren.
"Ay naku! Nakita niyo nga siya! pero di naman kayo pinansin" sagot ko.
Ito ang dahilan kung bakit ayaw nila akong isinasama dahil sa mga prangka kong mga sagot.
"Kasi hindi pa namin sila kilala noh". Sagot naman ni Menchu.
"Weeeehh..he he he he umaasa ba kayong mapapansin niya kayo?" Pang aasar ko sa kanila."Lahat naman ng nakilala niyong batang lalaki eh sa paningin niyo lahat sila gwapo at agad agad nagiging crush ninyo eh..dugtong ko..
"Si Bella, parang tanga, baka pagnakita mo siya mainlove ka na sa kanya." sagot ni Caren at humagalpak ito ng tawa.
"Alam niyo kasi di pa nararanasan ng ate Bella ko na magkaroon ng crush" sabad ni charlotte.
"Ay naku! Basta ako crush ko siya gusto ko siya makilala" sabi ni Menchu.
Nakarating na kaming magkakaibigan sa park. Diretso akong pumunta sa slide.
"Oi, halika na slide na tayo." sabi ko sa kanila.
"mamaya na kami pupunta diyan" sagot ni Menchu.
Hindi ko na pinilit ang mga kaibigan ko at mga pinsan ko. Pero, laking palaisipan saken kung bakit hindi sila naglalaro, nakaupo lamang sila sa upuan doon..na parang may hinihintay.
Lumapit ako sa kanila.
"ano bang gagawin natin dito maglalaro o uupo lang, kasi kung uupo lang aalis na ako, uuwe na ako.
"Ate Bella, mamaya ka na umuwe..pagumuwe ka siguradong tatawagin na kami ni lola loleng...saglit lang naman ito ate Bella. Sagot ni Moira.
"Okay, at bumalik ako sa slide".
Kumpol kumpol sila doon..maya't maya pa nawalang bigla sina Caren at Menchu..nagkunwari pala na pupunta ng beach ang dalawa. Saktong sa pagdaan nila.
"Ken! Ken! tawag ng nanay ni Ken.
Nakita nila kung sino ang tinatawag non. At dali dali itong bumalik sa kinauupuan nila. Panay ang tawa ng dalawa at kinikilig ang mga ito.
Bumaba ako at pinuntahan ko ulit sila. Dahil curious ako kung bakit masaya sina Menchu at Caren..
"Oi, alam na namin ang pangalan niya" at kinikilig ang mga ito.
"Bakit? nakipagkilala kayo? Tanobg ko.
"Hindi, sagot ni Caren
"Eh pano niyo nalaman ang pangalan niya? tanong ko ulit.
"Narinig lang namin na tinawag siya ng mama niya." Sagot ni Menchu
"Naku, buti kung siya nga iyon." Patuloy ko.
"Tara, doon na tayo sa slide. aya ni Menchu.
Tuwang tuwa ako dahil maguumpisa na ang laro namin, Ngunit pagdating doon naupo lang sila at panay ang kuwentuhan tungkol kay Ken. Pumunta pala sila roon para makita nila ito ng malapitan.
"Ay naku! Puro na lang kayo Ken! maglalaro ba tayo o hindi? Tanong ko ulit sa kanila.
Ngunit parang hindi nila ako naririnig dahil kinikilig ang mga ito.
"Ahm..nasan ba si Ken? Tanong ko.
"Ayun oh, ay umalis na lang. Mamaya babalik iyon." Sagot ni Menchu.
Hindi ko makita si Ken at umalis daw ito. Hintayin raw namin na bumalik si Ken.
"Ay! Ayan na siya..dali Bella halika dito andito na siya..kinikilig si Menchu".
Bumaba ako sa slide ngunit di ko na naman ito nakita.
Maya't maya pa.
"Oh andiyan na ulit si Ken" he he he he.. sabi ni Caren.
"Hindi ko naman nakikita eh". sagot ko.
Hanggang sa..
"Hmmmm...what if tawagin ko nga itong si Ken"biglang pumasok sa isip ko.
"KEN! KEN! KEN! sigaw ko na ikinagulat nila Menchu.
"Oi, Bella, tumigil ka baka mamaya lumapit si Ken dito." saway ni Menchu habang kinikilig siya.
"Puro na lang kasi si Ken ang laman ng bibig niyo." Sagot ko at patuloy ko sinisigaw ang pangalan ni Ken habang nagpapaslide ako at nangingiti ako dahil inaasar ko sina Menchu at Caren.
Maya't maya pa ay nagsitakbuhan na ang lahat at biglang nag ayang umuwe sina Menchu.
"Tara na uwe na tayo" aya ni Menchu na parang nalilito at kinikilig.
"Hala, papalapit na siya sa atin.." sabi naman ni Caren.
"Si ate Bella kasi sigaw ng sigaw eh.." paninisi ni Charlotte.
Lumingon ako, ngunit wala naman akong nakitang papalapit sa amin.
"Eh, ayaw niyo non..paglumapit si Ken..makikilala niyo na siya"
Pagkasabi ko biglang nagtakbuhan ang mga kaibigan ko..at inaaya na nila akong umuwe..na parang kinakabahan sila na nangingiti lang ako..
Pinuntahan ako ni Moira at Louise..
"Ate Bella, uuwe na raw tayo" sabi ng dalawa.
"Teka lang..last na itong padulas ko ito..." sagot ko. Ngunit bigla ko ulit tinawag si Ken habang paakyat ako sa slide..para asarin ang mga kaibigan ko dahil kinakabahan ang mga ito.
Pagdating ko sa taas ng slide may nakita akong batang lalaki na nakabisekleta at nakangiti ito saken na bigla akong nagulat at may kung anong nagpabilis sa t***k ng puso ko..
"Gwapo niya..at noon ko lang siya nakita doon..sino ba ang batang ito? Bakit nakangiti at nakatingin ito saken? Hindi naman umaalis si Ken sa kinatatayuan niya at ako naman patuloy na naglalaro sa slide. At ang batang lalaki naman ay parang naghihintay kung ano ang sasabihin ko. Pag akyat ko andon pa rin siya nakangiti pa rin saken samantalang sina Menchu panay ang tawa nilang lahat sa malayo.
Hanggang sa nakita kong paakyat na siya sa slide. Masaya ang puso
ko ng araw na iyon dahil for the first time may batang lalaki na lumapit saken para makipaglaro.
Ngunit, "umalis ka nga diyan mag slide lang ako" sabi ng batang lalaki na mahinahon, subalit para saken hindi ko nagustuhan ang sinabing iyon ng batang lalaki.
"Ikaw ang umalis dito ako ang nauna sa slide na ito." Nanginginig na sabi ko dahil pakiramdam ko napahiya ako dahil akala ko makipaglalaro siya sa akin, ngunit nagakamali ako gusto niyang paalisin ako sa slide.
Bumaba ang batang lalaki at may ibinulong ito sa sarili niya..at ang tanging narinig ko lang ay "tatawag tawagin ako tapos.... umalis na ang batang lalaki habang may sinasabi palayo na di ko naman pinansin.
Bella! Bella! halika na uwe na tayo tawag ni Caren. Bumaba na ako sa slide at sumunod na ako kina Caren.
"Bella, ano ang sabi sayo ni Ken?" tanong ni Menchu.
" Huh!!??? Sinong Ken???" gulat kong tanong.
"Yung batang lalaki na nakabike na lumapit pa sayo di ba." sagot naman ni Angelica.
"Huh!!! Si Ken na ba iyon..OMG" ito lang ang nasambit ko.
"Oo, siya na si Ken, sabay tawa nila Caren.
"Hindi mo pala alam? Kaya nga nagtakbuhan na kami kanina dahil palapit na siya sa atin." Sabi naman ni Menchu.
"Sa tingin mo mabait ba siya? Tanong ni Caren.
"Ewan ko di ko alam, na natulala pa ako.
"Sayang sana di na tayo umalis don, sana nakausap natin si Ken" panghihinayang naman ni Menchu.
"Tara na nga uwe na tayo". Aya ni Caren.
"Inaway ko pati iyon"
"Ano? Inaway mo? Gulat sina Menchu.
At umuwe kami na di naaalis sa isipan ko ang nangyari doon sa slide.nakikita ko ang mukha ni Ken na nakangiti saken ngunit inaway ko lang ito. Hiyang hiya ako sa sarili ko ng mga oras na iyon.