Radiant
I was still half asleep when the alarm woke me up to take a bath. It was only thirty minutes before four in the morning. Hindi pa sumisilip ang araw nang hinawi ko ang kurtina sa bintana ng aking kwarto, para sana'y magising ang diwa sa kahit katiting na sinag ng araw.
Ang mga ibang mahilig magpuyat at walang ginagawa sa buhay ay patulog palang ng mga oras na 'to habang ako'y gising na para kumayod at magtrabaho sa umaga hanggang gabi.
My first day at work yesterday was fine. Wala naman ako masyadong ginawa dahil half-day lang ako nagtrabaho at hindi pa ako pinagsimula ng trabaho sa Balsa para maging waitress dahil wala pa akong uniporme at ngayon palang daw dadating. Maaga akong natulog kagabi para makapag-ipon ng lakas ngayong araw dahil alam kong hindi ito ordinaryong araw ng trabaho kagaya kahapon.
I quickly took a shower and dressed myself with a plain white shirt and dark gray jeggings. Magpapalit din naman ako ng uniporme pagdating doon kaya hindi ko na kailangan pang magsuot ng magandang damit.
Hindi ko na rin masyadong inayos ang sarili ko. Lipstick at konting pulbos lang ay okay na ako.
Tahimik pa ang bahay ng bumaba ako. Tinignan ko ang oras at nakitang may trenta minutos pa akong natitira bago mag-alas singko. Halos limang minuto lang naman ang tatakbuhin kapag nagbisikleta ako mula dito hanggang sa The Valley.
I fried an egg and hotdog for my breakfast. Mabuti na lang at may natira pang kanin mula kagabi sa rice cooker kaya ininit ko na lang 'yon para makakain ako ng maayos na umagahan. I shouldn't deprive myself from eating a proper meal because I will need a lot of strength.
Nang matapos kumain ay mabilis ko nang hinugasan ang aking pinagkain bago nagmamadaling lumabas ng bahay dala-dala ang aking bisikleta.
The sun was beginning to rise when I went outside as I could see a pale mixture of colors—blue, violet, pink and orange in the sky. Naamoy ko rin ang sariwang hanging na hango sa mga halaman at puno na nakapaligid sa bahay. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti sa ganda ng pakiramdam na naidudulot nito sa'kin.
Pagkalabas ko ng gate ay nagulat ako nang makitang may itim na sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Bumaba ang bintana nito at ngumiti sa akin ang lalaking namataan kong naka-uniporme ng The Valley.
"Magandang umaga," nakangiting pagbati niya sa'kin. "Napag-utusan akong sunduin ka upang ihatid sa The Valley kaya ibalik mo na ang bisikleta mo sa loob."
Bahagya namang kumunot ang aking noo at mariing hinawakan ang manibela ng aking bisikleta.
"Magandang umaga rin, ho," medyo naaasiwa kong pagbati ngunit pinilit ko pa rin ang aking sarili na ngumiti. "Mawalang galang lang po pero maaari ko po bang malaman kung sino ang nag-utos sa inyo upang sunduin ako?"
"Si Sir Valiente ang nag-utos sa'kin na sunduin ka," sagot niya naman sa akin.
Napalunok naman ako at naalala ang pinadala niyang pagkain para sa'kin kahapon. Ngayon naman ay pinapasundo niya ako sa bahay kahit na isang hamak na empleyado lamang ako sa kanyang resort.
He's giving me mixed signals and making me confused by his unnecessary actions. I don't want to get my hopes up, especially when he's already with someone else. Ayoko nang mahukay pa at buhayin ang nararamdaman ko para sa kanya na matagal ko nang ibinaon sa pinakailalim na parte ng puso ko.
Hindi niya naman dapat 'to ginagawa. May atraso ako sa kanyang pamilya ngunit sa ginagawa niya'y parang siya pa ang may atraso sa'min.
Pero mayroon nga naman talaga dahil sa ginawa niyang panloloko at pananakit sa'kin noon ngunit hindi iyon dapat dinadala sa trabaho, lalo na siya sitwasyon na mayroon kami ngayon.
"Pasensya na po pero magbibisikleta na lamang po ako," paghingi ko ng pasensya. "Pakisabi na rin po kay Sir Valiente na hindi naman po ako kailangang sunduin. Iyon lang po. Mag-ingat po kayo pabalik sa The Valley."
Isang ngiti ang muli kong ginawad sa kanya bago sumakay sa aking bisikleta at nagpadyak palayo. Agad din namang sumunod ang sasakyan sa akin at kahit kayang-kaya ako nitong ungusan ay hindi nito ginawa. Nakabantay lamang ito at nakasunod sa aking likuran hanggang sa makarating ako sa The Valley.
I checked in my attendance right away after securing my bicycle at the provided area in the parking for bicycles. I also changed into my housekeeping uniform and tied my hair into a bun.
I prepared the trolley where all the equipment I needed for cleaning a room should be placed and checked the paperworks for the fifth floor. I started my rounds on vacant guest rooms, but I also took note of rooms that will be departed by the guests later. I checked every detail that needed to be checked.
It was around six o ‘clock when I was done with my rounds on the vacant rooms on the fifth floor before going down to the offices on the second floor.
Mabilis kong nalinis ang mga naunang opisina dahil wala naman masyadong kailangang linisin. Now, I am down to the last and biggest office on the second floor where Orion uses to work.
I just took a deep breath before opening the door of his office. Napabuntong hininga na lamang ako dahil halos wala na akong kailangang linisin sa kanyang opisina. It is well-cleaned.
Ngunit kahit ganoon ay inikot ko pa rin ang kanyang opisina para mas lalo itong maging malinis. Napatigil na lamang ako sa kanyang lamesa nang makita ang litrato ng babaeng nakadisplay dito.
His longtime girlfriend, Halsey, was gracefully smiling at the picture while holding a big heart-shaped balloon. The background of her picture that views a foreign land seemed to fit with her beauty. Everything about it was beautiful.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang muling pagtakbo ng mga inseguridad sa aking isipan.
Matapos kong maglinis ay bumalik ako sa housekeeping quarters upang magpahinga. I kept on stretching as my back seemed to be slightly aching. Hindi pa sanay ang aking katawan sa mabibigat na trabahong katulad nito. Dapat siguro ay mag-stretching ako kahit papaano bago magsimula sa pagt-trabaho para hindi gaanong mabigla sa trabaho.
Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako at nagising na lamang ako sa pagtunog ng aking cellphone. Halos lumuwa ang mata ko nang makita kong tumatawag si Orion sa akin.
"Hello, Sir—"
"I want coffee without creamer and some garlic bread," mabilis niyang sabi at bago pa ako makapagsalita ay napatay na niya ang tawag.
Dumiretso naman ako sa may kitchen ng hotel at sinabi sa kanila ang gusto ni Orion na agad naman nilang ginawa bago ako nagtungo sa kanyang opisina.
As soon as I entered his office, I saw him seriously typing something on his laptop. The first three buttons of his white shirt are opened that reveal a part of his massive chest. When he took a glance at me, he immediately stopped whatever he was doing to pay me some attention.
I walked my way to his table and tried to avoid giving back the look he is giving me as he watches my every move. I quietly placed the saucer and a cup of coffee on his table, as well as the garlic bread he requested.
"Do you need anything else, Sir?" I formally asked him and finally stared back at him.
Nothing's new. His eyes still scream coldness, but this time, it didn't make me shiver. I was already used to the cold. Sana nga ay puro lamig na lang ang kanyang iparamdam at huwag nang magpakawala ng kahit anong init galing sa kanya na pwede kong maramdaman.
"Why didn't you ride the car I sent to fetch you at home?" Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at nagtanong sa'kin.
"Dahil hindi naman 'yon kailangan," sagot ko na lang. "I don't need to be fetched by an extravagant car that was sent by my boss. Hindi ba't ang gara tignan no'n? Isa lang ako sa daan-daan na empleyado mo at dapat ay patas ang tingin mo sa aming lahat. Kung may sundo ako ay dapat mayroon din ang iba. Ayokong maramdaman na mayroon lamang akong nadadagdag na utang na loob galing sa'yo dahil sa pagmamagandang loob mo—kung iyon nga ba ang tawag doon."
I was planning a simple answer inside my head but I couldn't stop spilling out the words I wanted him to hear and understand.
Bahagya kong tinungo ang aking ulo upang kahit papaano ay magbigay ng respeto sa nakakataas sa akin habang ako'y nagsimula nang humakbang paalis sa kanyang harapan. Ngunit nang may maalala ako ay agad akong tumigil sa pag-alis upang harapin siya na hanggang ngayo'y nakatingin pa rin sa'kin.
"Nga pala..." panimula ko. "Hindi mo rin ako kailangang padalhan ng tanghalian. Kakain ako kung kailan ko gusto," sabi ko bago siya muling tinalikuran at lumabas ng kanyang opisina.
Pagkasaradong-pagkasarado ko ng pintuan ay doon ko lang napag-alaman na halos pigilan ko pala ang akong sarili sa paghinga habang kasama siya sa iisang silid nang mapahinga ako ng malalim.
There was no doubt that he could still give me some kind of feelings and emotions that I had felt even before, whenever he was near. Kahit ayoko mang maramdaman iyon ay tingin ko'y hindi na 'yon mawawala. Saglit man at halos walang maipangtapat sa tagal ng pagsasama nila ng kanyang bagong kasintahan ngunit malalim naman ang aming pinagsamahan. Sobrang lalim na kahit anong gawin kong pag-ahon ay hindi ko magagawa. He made his mark inside me before he left. It could never be changed nor erased.
Mabuti na lamang at hindi na niya ako muling ipinatawag matapos ng aming pagkikita sa kanyang opisina kaninang umaga. Naging maganda ang takbo ng trabaho ko maghapon at marami akong nakasalamuha na katrabaho. Ang ilan pa sa kanila ay working-student.
Kinagabihan ay tumungo na ako sa Balsa at nagsimula nang magtrabaho doon. I met Quinn who's also a waitress, but she works full-time at the restaurant. Kapag wala masyadong ginagawa ay nakakapagkwentuhan kaming dalawa. Napag-alaman kong galing pala siya ng Maynila at lumipat lang sa Bela Isla upang dito na manirahan. Kwinento ko naman sa kanya ang utang ng pamilya ko sa mga Valiente na dahilan kung bakit kinakailangan kong magtrabaho sa The Valley.
"Sayang ang pinag-aralan mo, Naiyah," nanghihinayang niyang sabi. "Kapag natapos mo ang kontrata mo rito, subukan mo nang kumuha ng exam para maging CPA. Nakikita kong may ikakaganda pa ang hinaharap mo."
Bahagya naman akong tumango at saka hinubad ang waist-apron na suot. Kinuha ko ang damit ko sa locker upang makapagbihis na at makauwi.
"Iyon naman talaga ang balak ko," sabi ko. "Tatapusin kong bayaran ang utang ko sa kanila."
Kagaya ko ay nagbisikleta rin si Quinn pauwi. Nang makauwi ako sa bahay ay nakita ko si Tita Edna na nakatulugan na ang paghihintay sa'kin sa sofa. Agad ko naman siyang ginising upang paakyatin na sa kanilang kwarto ni Tito Franco.
Maaga ko ring nakatulugan ang pagod sa unang araw ng trabaho, pagkahigang-pagkahiga ko sa aking kama. Nang tumunog naman ang aking alarm ng kaparehas na oras kahapon ay parang ayoko pang bumangon at pinakiramdaman ang sakit ng aking katawan na masyadong nabugbog sa trabaho, ngunit kailangan ko nang bumangon at gumayak papasok sa trabaho.
Tuwing naiisip ko ang halagang sampung milyon na utang ng aking mga magulang sa mga Valiente ay ginaganahan akong magtrabaho. Iyon na lamang ang inisip ko na dahilan kung bakit ako napabangon kahit na hinahatak ako pabalik ng kama upang matulog pa.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate dala-dala ang aking bisikleta ay sakto ang paghinto ng puting van sa harap ng bahay. Bumukas ang pintuan nito at bumungad sa akin si Quinn, pati na rin ang apat pang babaeng empleyado ng The Valley.
"Good morning, Naiyah!" masayang pagbati sa'kin ni Quinn na mukhang ganadong-ganado sa pagpasok. "Iwanan mo na 'yang bisikleta mo. Dito ka na rin sumakay papasok."
Wala na rin naman akong nagawa kundi ang ibalik sa loob ang aking bisikleta at sumabay na sa van.
Tuwang-tuwa sa pag-uusap ang mga empleyadong kasama ko sa van dahil sa biglang pagsundo sa kanila ng van papasok sa trabaho na hindi pa raw nangyayari mula noon.
"Ang bait pala talaga ni Sir Valiente," ngiting-ngiti namang sabi sa'kin ni Quinn. "Talagang may sundo pa tayo."
Isang hilaw na ngiti lamang ang naibigay ko kay Quinn at ang tanging mga salita lamang na binitawan ko sa kanya kahapon ang naglaro sa isipan ko kaya pati ang ibang mga katrabaho ko ay pinasundo niya rin.
I did the same routine as yesterday when I began working as soon as we arrived at The Valley. Ang kaibahan nga lang ay hindi ako pinatawag ni Orion upang personal na utusan. Mas bumilis ang pagtakbo ng oras ngayon kaysa kahapon.
Pabalik na kami ng mga kasamahan ko sa housekeeping quarters matapos ang aming lunch upang makapagsimulang magtrabaho muli nang madaan ang aking paningin sa pamilyar na babaeng kakalabas lamang ng lobby.
Bahagyang napakunot ang kanyang noo nang masilayan ako, bago rumehistro ang gulat at tuwa sa kanyang mukha.
Ang mga kasamahan ko naman ay agad siyang magalang na binati.
"Naiyah..." Orion's mother, Tita Cora, called my name as she went down to get closer. "I can't believe you're here," she said before giving me a hug.
Nagkatinginan naman ang mga kasamahan ko ngunit nagtanguan din sila at sinenyasan akong papasok na sila sa loob kaya naman nginitian ko na lamang sila.
"Magandang tanghali po, Tita," nakangiting pagbati ko sa kanya nang pakawalan niya ako sa kanyang pagkakayakap.
"Dito ka nagtatrabaho?" tanong niya at pinasadahan ako ng tingin. "Paano nangyari? Didn't you find a work in Manila after you graduated?" punong-puno ng kuryosidad ang kanyang mga mata.
Nahihiya naman akong umiling at tipid na ngumiti.
"Have you seen Orion?" she suddenly asked.
Tumango naman ako. "Siya po ang nagpasok sa'kin dito."
Nakita kong bahagya namang natigilan si Tita Cora nang dahil sa aking sinabi. Parang hindi niya inakalang si Orion pa mismo ang nagbigay sa'kin ng trabaho rito sa The Valley.
"Pinasok niya po ako rito bilang kabayaran sa... sa utang po ng mga magulang ko sa inyo," paglilinaw ko naman.
Napaawang ang bibig ni Tita Cora. "Why?... I mean, hinayaan ko na ang utang na 'yon, Naiyah," paliwanag niya. "It's your own parents' debts. They're gone now. It is not your responsibility to take since you're not part of the agreement we've made. Kung gusto mo ay kakausapin ko si Orion para itigil ang pagtatrabaho mo rito—"
"Okay lang po, Tita," pagputol ko naman sa kanya at ngumiti. "Hindi ko rin po kayang dalhin ang utang na loob na mayroon ako sa inyo kung saka-sakali. Hindi naman po sa ayokong tumanaw ng utang na loob, ngunit marami na rin po kayong natulong sa pamilya ko, noon pa man. Kung ano po ang problema nila ay problema ko rin. Kahit magkano pa po ang utang nila sa inyo ay utang ko rin at susubukan kong bayaran 'yon ng buo kahit gaanong katagal."
Napabuntong hininga na lamang si Tita at saka kinuha ang aking kamay. She smiled at me. "You're really a good daughter, Naiyah," she told me. "If ever you change your mind and you find it very hard, know that you can always talk to me."
I bit my lower lip and hugged Tita Cora. She hugged me back and tapped my back.
I smiled because of the affection she is showing me.
Noon pa man ay parang tunay na anak na ang turing niya sa'kin dahil sa relasyon na mayroon kami ni Orion. Hindi ko maiwasan ang labis na pagkatuwa dahil kahit wala na kami ng kanyang anak ay ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin na parang walang nagbago.
"Tita..."
Napabitaw na lamang ako sa pagkakayakap kay Tita Cora nang may mala-anghel na tinig na tumawag sa kanya.
I turned to look at the radiant girl, who seemed to be glowing, not because of the ray of the sun, but because of her own aura that she effortlessly radiates.
There she was, the woman from the pictures I saw on f*******:, i********: and even at the picture frame displayed above Orion's desk. The current leading lady of his life. The woman who's part of the reasons why the single heart that I own, broke into thousands of pieces that I couldn't seem to put back together.
It only took me one look at her to know that she was really the one for Orion. She deserved the spot to be the only girl in his life.
"Oh, Halsey!" sabi naman ni Tita Cora at tinawag papalapit si Halsey sa amin.
She went to us like a model, gracefully and elegantly walking on the runway.
"Naiyah, she is Halsey, Orion's girlfriend," pakilala ni Tita Cora kay Halsey. "And Halsey, this is Naiyah."
Halsey's lips slightly parted before she smiled and removed her wayfarer that's covering her eyes with a color of a tree's bark.
She offered her hand to me. "Hello, it's so nice to finally meet you," she greeted me.
With a broken heart, still aching from the memories of the past as the woman he'd cheated with, stood in front of me, I smiled. "It's nice meeting you, too."