Flowers "Naiyah..." Nilingon ko naman si Daisuke na nagiging maingat sa paglapit sa akin habang hinihintay ko sa labas ng bedspace si Drew na nagsabing malapit na. He was wearing that hopeful expression again, while looking at me. "Oh, Daisuke!" nakangiti kong pagbati sa kanya. "Uh... Pwede ka na ba ngayon?" nahihiya niya namang tanong sa akin. "Ano kasi... uhm... hindi ko pa rin napanood 'yong gusto kong panoorin na movie. Are you free today?" "Sorry, Daisuke,” panimula ko at agad namang bumagsak ang kanyang balikat. "Mag-aayos kasi ako ng gamit dahil maglilipat na ako." I didn't want to give him false hopes by going out with him to watch a movie. He really seemed like a great guy, but I just couldn't see myself with him. "Ganoon ba?” Mas mukha siyang lalong nawalan ng pag-asa. "Sa

