First One "Naiyah, ano 'tong sinasabi sa akin ng pinsan kong pumapayag ka na raw na hayaan siyang ligawan ka?" Pambungad ni Emma at kita ko ang saya sa kanyang mukha. "Finally, Naiyah! Ang tagal nang nagpaparamdam sa'yo no'n, ah. Halos dalawang taon na!" natatawang sabi ni Kriesha. Napanguso naman ako at ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi nang dahil sa hiyang nararamdaman. I think Orion deserved a chance. Hindi ko na rin namang ipagkakailang nagustuhan ko na rin siya. I admired his constant feelings for me. Noong una ay akala ko hindi iyon totoo o biro lamang, ngunit hindi pala. Who would have thought that his feelings for me could last for almost two years without being acknowledged? Wala pang lalaki ang sumubok na sumuyo sa akin gaya ng kanyang ginawa. He didn't fai

