Destiny "Kriesha, huwag mo na akong pilitin," dinig kong sabi ni Emma nang harapin niya si Kriesha na humahabol sa kanya. "Sobrang tagal na no'n, Emma! Ilang taon na ang lumipas?" giit naman ni Kriesha. "It's time for you two to talk to each other." "I have nothing to say to her—" Napatigil si Emma sa pagsasalita nang mamataan niya ang aking paglapit. Napalingon din sa akin si Kriesha kasabay ng pagtalikod ni Emma para umalis, ngunit hindi ko siya hinayaang makalayo. I grabbed her arm to stop her from walking away and made her face me. "Let go of me, Naiyah. I still have other important things to do. Let's just meet next time," she fired her words like a shotgun without properly looking at me. Sinubukan kong hanapin ang kanyang tingin upang idiretso ang titig sa kanya ngunit patuloy

