Pag kalabas niya sa principal's office, umupo muna siya sa gilid ng staircase sa hallway. Nag-isip si Erika kung paano niya masasabi ang buong katotohanan sa kanyang mga kaklase. Naalala niya ang kanyang dark blue notebook na naka tago sa kanyang locker. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinakiramdaman ang kanyang paligid. Nakarinig siya ng mahihinang hakbang kaya agad siyang kumaripas ng takbo papuntang P.E. building para maisagawa ang kanyang pinaplano. Walang kaalam-alam si Erika na palihim na pala siyang pinagmamasdan nila Tiffany mula sa di kalayuan. Bago sundan ang kaklase, dumiretso muna si Tiffany sa principal's office. Marahang binuksan ni Tiffany ang pintuan bago siya tuluyan pumasok sa opisina ng punong-guro. "Any news for me?" bungad na tanong ni Tiffany bago siya umupo sa

