Nagulat si Hunter nang makitang naka bitin si Alex sa puno ng balete. Pilit na itinatanggal ni Alex ang pag kakasakal niya sa naka pulupot na lubid sa kanyang leeg. Tumuntong si CJ sa kalapit na malaking bato upang iligtas ang kaklase. Pag kaputol ni CJ ng lubid, agad sinalo ni Hunter si Alex. Nag hahabol ng hininga dahil sa labis na pamumutla ng kanyang mukha. Naka hawak siya sa kanyang leeg at napansing nag marka ang mahigpit na pag kakasakal ng lubid sa kanya. Marahan siyang niyakap ni Hunter na alalang-alala sa kanya. Sa kanilang pag-alalay kay Alex papuntang clinic, naka salubong nila si Angela sa hallway. "Anong nangyari sayo, Alex? Promise me you won't leave me like Lacus did," nag-aalalang wika ni Hunter habang naka tingin nang diretso sa mga mata ni Alex. "O, what happened?" nag

